Horoscope | Enero 24, 2023 (Martes)
- BULGAR
- Jan 24, 2023
- 2 min read
ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | Enero 24, 2023
Sa may kaarawan ngayong Enero 24, 2023 (Martes): Ginagarantiyahan ng iyong kapalaran na aangat nang aangat ang iyong buhay kahit nag-aalinlangan ka dahil sa mga pagsubok na pagdadaanan mo. Sa ngayon, kailangan mong magtiwala sa iyong sarili at sa langit.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Kung ano ang maganda sa paningin mo, ‘yun ang gustuhin mo. Huwag kang malito dahil sa narinig mo na mas maganda ang hindi nakikita. Nakikita ang maganda, at ito ang dapat mong piliin. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-4-19-20-26-30-42.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Papaboran ka ng langit. Ang mahihirap na gawain ay gagaan at ang paparating na pagsubok ay hindi mo na rin katatakutan. Ito ang mensahe ng kapalaran mo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-7-18-25-28-31-41.
GEMINI (May 21-June 20) - Bumabagal ang ikot ng iyong mundo dahil sa dami ng gusto mong gawin. Tutukan mo ang isang bagay na alam mong magpapaganda sa kinabukasan mo at ng iyong pamilya. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-18-21-24-28-30-42.
CANCER (June 21-July 22) - Sinupin mo kung ano ang mayroon ka. Huwag mong isugal ang mayroon ka dahil may babala na mapupunta lang ito sa iba. Ito ang payo ng kapalaran sa iyo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-15-16-23-27-38-41.
LEO (July 23-Aug. 22) - Huwag kang makiuso dahil kapag sinubukan mo, mahihigitan mo ang marami, ngunit aatras ang iyong kabuhayan. Ang dapat mong iprayoridad ngayon ay ang pagpapalago ng iyong kabuhayan. Masuwerteng kulay-orange. Tips sa lotto-4-10-15-25-26-30.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Papakinabangan mo ngayon ang iyong husay sa pagtutuos. Kung hindi mo ito gagamitin, para na ring sinabi na malulugi ka nang malaki at ikaw ay magsisisi. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-15-20-21-25-38-41.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Hindi ka mabibigo, basta pairalin mo ang pag-ibig. Dapat mo ring ipadama ang iyong pag-ibig sa tao na labis mong kinaiinisan. Kapag nagawa mo ‘yan, sunod-sunod na suwerte ang darating sa buhay mo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-7-10-13-22-34-40.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Mabilis na darating sa buhay mo ang katuparan ng iyong mga pangarap dahil sa taong nakatanggap ng utos mula sa langit na ikaw ay alalayan at tulungan nang husto. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-3-11-15-29-30-33.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Hindi ka magkakamali ngayon. Ibig sabihin, hindi mauulit ang nakaraan na akala mo ay tama ka, pero mali pala. Huwag kang mag-alinlangan sa iyong sarili. Gawin mo ang gusto mo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-17-21-26-28-31-32.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Ngayon mo ipamigay ang mga bagay na hindi mo ginagamit. Sa ganitong paraan, luluwag ang kapalaran mo, kaya kusang papasok sa buhay mo ang mga bagong suwerte at magagandang kapalaran. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-9-10-13-16-22-29.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Magbabalik ang gusto mong bumalik at magyayaya pa siya ng iba. Kapag nangyari ito, huwag kang magkunwari, tanggapin at yakapin mo siya. Bukod sa kanya, marami pang suwerte ang hindi mo nakikita. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-15-17-19-20-27-30.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Hinihintay lang ng langit ang pasya mo. Magpasya ka at gawin mo na ito ngayon. Hindi na puwedeng magtagal na hindi mo tukoy kung ano ang mga gusto mo sa buhay. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-4-15-16-26-31-32.




Comments