Horoscope | Enero 22, 2021 (Biyernes)

ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| January 22, 2021
Sa may kaarawan ngayong Enero 22, 2021 (Biyernes): Kung ano ang ilagay mo sa isip mo, ‘yun mismo ang mangyayari sa buhay mo. Kaya ang payo, magaganda at positibo lang ang dapat na laman ng isip mo.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Lumayo ka muna sa mga pabigat sa buhay mo. Mas bigyan mo ng prayoridad ang mga magpapasaya sa iyo. Sa ganitong paraan, maraming suwerte ang guguhit sa iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-9-10-18-21-24-33.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Huwag kang patangay sa sobrang kasiyahan. Maaaring mawala sa loob mo na ang mahalaga sa buhay ng tao ay ang pagpapatatag ng kanyang kinabukasan. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-11-12-28-30-35-42.
GEMINI (May 21-June 20) - Nakaaakit ang magagandang tanawin sa kapaligiran sa nalalapit na summer vacation, pero ang higit na kaakit-akit ay ikaw. Kaakit-akit ka pa rin kahit ang suot mo ay hindi bago. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-18-20-21-25-34-38.
CANCER (June 21-July 22) - Dadapo sa iyo ang isang suwerte na masasabing panghabambuhay. Ito na mismo ang regalo mo mula sa langit dahil sa mga ipinakikita mong kabaitan sa mga nasa paligid mo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-3-14-16-26-34-42.
LEO (July 23-Aug. 22) - Binabalaan ka na kapag hindi mo nakontrol ang pagbibigay ng mga regalo at pagpapasaya sa iyong kapwa, huli na ‘pag nalaman mong sa susunod na mga araw, ikaw ay gipit na gipit na. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-14-22-24-30-39-45.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Kahit sa mga sandali ng pagsasaya, hindi mo maiwasang isipin kung may kabuluhan nga ba ang Kapaskuhan o pag-aaksaya lang ng kabuhayan. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-19-20-28-31-36-41.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Unahin mo ang kilala mong matampuhin, pero ‘wag mong kalimutan ang nakauunawa sa iyo. Sa ganitong paraan, mamahalin ka ng iyong kapwa at sa taong ito ng 2021, maraming mga biyaya at pagpapala ang darating sa iyo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-2-17-22-28-30-31.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Totoo ba na mas mapalad ang nagbibigay kaysa sa tumatanggap? Para malaman mo, magbigay at tumanggap ka rin. Makikita mo, ikaw pala ang magiging pinakamapalad. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-5-15-16-25-36-49.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Huwag kang manghiram para lang mapasaya ang kapwa mo. Kung ano lang ang kaya mo, ‘yun ang ipagkaloob mo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-2-16-20-21-26-34.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Isang hindi nakikitang sinag ang dadapo sa iyo sa mga araw na ito kung saan ang pangalan ng sinag ay nakamamangha na “Ilaw na pang-akit ng magagandang kapalaran.” Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-17-20-21-26-38-41.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Mabilis ang paglitaw at pagkawala ng magagandang oportunidad, pero ang masuwerteng balita ay hindi ka titigilan ng mga ito hanggang ikaw ay umasenso. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-11-14-27-30-33-35.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Kalimutan mo na ang mga sama ng loob. Hindi ngayon ang panahon para mabuhay sa lungkot. Magsaya ka dahil ngayon ay panahon ng pagsasaya para sa lahat ng tao. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-19-20-25-31-40-44.




Comments