Horoscope | Enero 21, 2023 (Sabado)
ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | Enero 21, 2023
Sa may kaarawan ngayong Enero 21, 2023 (Sabado): Hindi ka bibiguin ng iyong kapalaran. Matutupad ang iyong mga ambisyon dahil ang araw ng iyong pagsilang ay nangangahulugan na ang iyong mga pangarap ay matutupad.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Iwasan mong mahalata ng nasa paligid mo na nagmamalaki ka. Totoo na puwede kang magmalaki at magyabang, pero ito ay hindi magandang makaugalian. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-19-20-24-30-37-40.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Madadagdagan ang kabuhayan at ari-arian mo. Ingatan mo ang mga ito at huwag kang tumulad sa hindi alam na ang mga ari-arian ay hindi na dapat ibenta. Sa halip, magdagdag ka nang magdagdag ng mga ari-arian. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-19-20-21-27-30-34.
GEMINI (May 21-June 20) - Ibahagi mo sa mga nagpapasaya sa iyo ang mga biyayang tinatamasa mo ngayon. Ito ang susi para lalo kang magkaroon ng sigla at sigasig na mas umangat pa. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-7-10-14-25-27-38.
CANCER (June 21-July 22) - Kung ano ang magbibigay sa iyo ng saya at ligaya, ‘yun ang gawin mo. Kalimutan mo na ang iyong istilo na mas ginugustong masaya ang iba kaysa sa iyong sarili. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-18-19-25-30-31-36.
LEO (July 23-Aug. 22) - Nagbabago ang lahat sa ibabaw ng mundo. Ang nasa ibaba ay tumataas at ang nasa itaas ay bumababa. Huwag kang mapagmataas nang hindi mo maranasan na ikaw ay mapunta sa ibaba. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-8-10-27-20-37-42.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Totoo na ang mga bituin sa langit ay nahuhulog. Aktuwal mong masasaksihan na bumagsak ang mga umaastang sikat. Maaawa ka sa kanila, pero ikaw din ay lihim na matatawa. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-17-22-26-36-37-41.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Tatanggap ka ngayon ng magandang regalo dahil ang isang hindi sinasadyang nabigyan mo ng inspirasyon na labanan ang kabiguan ay magpapasalamat sa iyo. Ito ang mensahe ng kapalaran mo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-19-21-24-26-33-34.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Aangat ka nang aangat hangga’t gusto mong umangat. Samantalahin mo ang magandang oportunidad na ito na kaloob sa iyo ng langit at kapalaran. Muli, aangat ka pa. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-2-19-22-25-29-32.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Suwerte ka ngayon. Sino ang iba pang susuwertehin? Walang iba kundi ang nakikiisa sa iyo na hindi ka kinokontra. Ito ang masuwerteng balita para sa iyo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-25-27-30-31-39-42.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Ito ang araw na pinili at itinakda upang matupad mo ang iyong mga ambisyon at pangarap sa buhay. Wala kang dapat gawin kundi ang kumilos. Oo, ito ay mangyayari ngayon. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-17-21-23-33-37-40.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Itapon mo sa hangin ang lahat ng nerbiyos mo na hadlang kaya hindi mo masimulan ang mga unang hakbang para sa iyong ganap na pagyaman. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-10-13-14-29-39-42.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Ngayon ka na humiling sa langit dahil ang tainga ng langit ay nakatapat sa iyo, kaya ang mga hiling mo ay ang bibigyang-prayoridad. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-aquamarine. Tips sa lotto-5-11-15-26-27-38.




Comments