top of page
SPECIAL - MISTER NI BEA NA SI VINCENT, ‘DI TINANGGAL SA PUREGOLD_IG _beaalonzo.jpeg

Horoscope | Enero 18, 2023 (Miyerkules)

BULGAR
Jan 18, 2023
2 min read

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | Enero 18, 2023


Sa may kaarawan ngayong Enero 18, 2023 (Miyerkules): Malalaking tagumpay ang nakalaan sa iyo gamit ang kakaibang tapang mo. Ang magandang balita ng kapalaran ay nagsasabing, walang bagay sa ibabaw ng mundo na hindi mapasasaiyo kapag ginusto mo.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Kung ano ang gusto mo ay masusunod, pero kailangang sabihin mo muna ang talagang gusto mo. Hindi puwede ang nakasanayan mo na hindi sinasabi ang gusto mo at umaasa ka lang na mangyayari ito. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-9-11-19-20-21-27.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Kung ano ang laman ng isip, ‘yun mismo ang dapat na tapatan ng mga pagkilos. Kung magaganda ang iniisip mo, gaganda rin ang mga kilos mo. Ito ang gabay mo sa iyong buhay. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-8-10-18-24-29-33.

GEMINI (May 21-June 20) - Sa anumang labanan, madalas na ang nananalo ay ang malakas ang loob at kalimitang nabibigo ang mga duwag. Lakasan mo ang iyong loob dahil ito rin ang pormula upang magtagumpay ka sa hamon ng buhay. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-11-16-19-22-28-33.

CANCER (June 21-July 22) - Tinatalo ng mababang kalooban ang mayayabang. Ngayon ay tatalunin mo ang umaasta na alam niya ang lahat. Sa iyo papanig ang mga tao sa iyong paligid at malaking suwerte at pagwawagi ang iyong makakamit. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-6-19-22-28-30-31.

LEO (July 23-Aug. 22) - Huwag kang mag-aalinlangan. Hindi ngayon ang panahon para sa pagdududa sa sarili. Ilabas mo ang lahat ng kaya mo, sa ganitong paraan ka makipagsapalaran at ang tagumapay ay madaling mapasasaiyo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-5-17-24-26-34-38.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Hindi ka bibiguin ng iyong talino. Ang totoo nito, marami ka nang pinagdaanan at ang talino mo ay nagbigay sa iyo ng paghanga, pagkilala at mga medalya. Ito ang paalala ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-16-20-21-23-36-40.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Kusa kang lalapitan ng nang-aaway sa iyo dahil ngayon, kanyang naunawaan na hindi siya sasaya kapag patuloy kayong hindi magkusundo. Ito ang mensahe ng kapalaran mo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-16-25-27-35-38-41.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Hindi mo pa kailangang manalo, pero kailangan ka ng malalapit sa iyo dahil naniniwala sila na kapag kakampi ka nila, susuwertehin sila at hindi matatalo ng kahit na sino. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-21-29-31-39-40-42.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Mahalagang papel ang iyong gagampanan dahil ikaw lang ang may katangian na pasunurin ang matitigas ang ulo at walang sinumang pinakikinggan. Gamitin mo ngayon ang likas mong husay sa pamumuno upang tuloy-tuloy kang umunlad at suwertehin. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-10-17-20-25-30-33.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Huwag kang magpakita ng kahinaan dahil marami ang hihina ang loob. Ipakita mo na matapang ka, dahil sa iyo, marami rin ang tatapang. Ito ang gamitin mong gabay sa buhay. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-18-21-24-28-35-36.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Inspirasyon ang dulot mo sa mga nawawalan ng pag-asa. Ito ang mahalagang bagay na maipagkakaloob mo sa mga tao. Patuloy kang kumilos nang kaaya-aya. Masuwerteng kulay-orange. Tips sa lotto-15-16-22-31-32-38.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Huwag mong ibigay ang mahalagang hiyas sa hindi makakapag-ingat nito. Maghintay ka ng tamang pagkakataon at huwag kang mainip. Tiyak na sa ibang panahon, may mapagkakatiwalaan ka rin nito. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-7-10-16-19-20-23.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page