Horoscope | Enero 16, 2026 (Biyernes)
- BULGAR

- 9 hours ago
- 2 min read
ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | January 16, 2026

Sa may kaarawan ngayong Enero 16, 2026 (Biyernes): Kakaiba ang kapalaran mo dahil magmumula sa malayong lugar ang mga suwerte mo. Ito ang sikreto ng masayang buhay mo.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Huwag mong sayangin ang araw na ito. Bagkus, pakinabangan mo ang mayamang imahinasyon mo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-3-18-24-27-34-45.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Magpapakita na ng lakas ang mga suwerte mong natutulog. Kaya huwag kang mabibigla kapag dumating na ang magagandang kapalaran. Masuwerteng kulay-red Tips sa lotto-2-16-28-32-35-40.
GEMINI (May 21-June 20) - Magkakambal ang mga buwenas mo ngayon, mula sa malalapit at malalayo. Kaya naman, tiyak na susuwertehin ka talaga! Masuwerteng kulay-silver. Tips sa lotto-6-19-25-36-38-41.
CANCER (June 21-July 22) - Mahina ang iyong damdamin pero magkukunwari ka pa ring malakas, na para bang hindi ka natitinag. Ito ang katotohanang maaari mong hindi aminin. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-7-11-20-23-37-42.
LEO (July 23-Aug. 22) - Ngayon ang araw para suriin ang mga pangyayari at para makabuo ng bagong pormula. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-1-14-26-34-39-44.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Binibigyan ka ng Dakilang Manlilikha ng kakayahan sa pagtutuos. Puwede mo itong pakinabangan sa larangan ng pagkita ng pera. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-5-13-27-31-38-40.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Anuman sandali ay puwede ka nang magsimula ng bagong kabanata sa pakikipagrelasyon. Ang bagong relasyong darating ay higit na mas magiging maligaya kesa sa mga nagdaang pakikipagrelasyon. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-8-15-26-30-36-41.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Taas-baba ang mga alon sa dagat, ito ang tunay na dahilan kung bakit mayaman ang karagatan. Taas-baba rin ang galaw ng iyong buhay na nagsasabing ikaw rin ay yayaman. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-7-12-29-33-37-43.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Nabuo ang dakilang piramide sa Ehipto, mula sa paisa-isang piraso ng mga bato. Ang magandang kinabukasan mo ay mabubuo rin sa pinagsama-samang pagsisikap mo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-4-16-21-25-39-45.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Muling magbabalik ang kakaibang bisa ng pagiging mahiyain mo. Maiintriga sa iyo ang ilan at ang sinumang sumubok na alamin ang iyong personalidad ay iyong mabibihag. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-2-17-27-31-38-40.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Kasing-bilis at kasing-lakas ng bugso ng hangin ang pagbagsak ng mga kaaway mo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-5-14-20-23-34-44.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Iyung-iyo ang araw na ito. Ang pintuan ng grasya ng mapagpalang langit ay sa iyo nakatapat. Kaya humiling ka na para pagbigyan ka na rin niya! Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-1-18-26-30-33-42.







Comments