top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Horoscope | Enero 13, 2021 (Miyerkules)

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jan 13, 2021
  • 2 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| January 13, 2021



Sa may kaarawan ngayong Enero 13, 2021 (Miyerkules): Nakagugulat ang mga suwerte mo dahil ikaw at ang nasa paligid mo ay namamangha sa mga hindi inaasahang naggagandahang kapalaran sa iyo.

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Iwasan mo ang anumang pakikipagtalo. Minsan, hindi mahalaga kung nauunawaan ng ilan ang mga gusto mong mangyari. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-15-19-20-25-30-33.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Nagsisimula ang lahat sa mga unang paghakbang. Kaya para masimulan mo ang iyong pag-unlad, gawin mo na ang mga paunang hakbang. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-18-23-28-39-40-42.


GEMINI (May 21-June 20) - Kunin mo ang gusto mo. Huwag mong kunin ang hindi mo gusto. Kumbaga, kahit may iba pang umakit sa mga mata mo, balewalain mo lang. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-11-15-16-24-27-34.

CANCER (June 21-July 22) - Unahin mong lutasin ang iyong suliranin, hindi puwede na ang uunahin mo ay ang problema ng iba kaysa sa sarili mong problema. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-5-8-18-21-25-32.


LEO (July 23-Aug. 22) - Hindi tinatanggihan ng langit ang mga kahilingang mula sa puso. Pero bingi ang langit kapag ang humihiling ay hindi mapagpakumbaba. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-14-19-28-31-40-41.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Atras-abante ang susi ng iyong tagumpay, pero isang paatras lang at dalawa ang pag-abante. Subok na ang pormulang nasabi kaya ang kailangan na lang ay iyong isasabuhay. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-17-22-25-27-36-38.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Makibahagi ka sa mga proyektong nagbibigay-tulong sa mga kapus-palad. Magtiwala ka sa sinasabing mas mapalad ang nagbibigay kaysa sa tumanggap. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-2-11-16-21-24-31.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Kung ano ang nasa iyo, paramihin mo. Ang tawag dito ay pagpapalago ng kabuhayan. Hindi maganda na hindi kumikilos ang tao para madagdagan pa ang hawak niya. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-14-16-20-25-39-42.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Huwag ka munang mapagpilit. Hayaan mo na ang mga kaganapan ay mapanatag. Kumuha ka ng aral sa mga ibon na kapag panatag na ang hangin saka ka lumabas. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-13-15-21-25-37-44.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Nagmamasid ang langit sa mga kilos ng bawat tao. Kapag nagpakita ka ng ikaw ay seryoso na yumaman, makakaasa ka na gugulong ang iyong kapalaran para ikaw ay yumaman. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-19-21-23-30-39-41.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Ngayon na ang pagkakataon upang madali mong matalo ang malalakas na tukso. Kumilos ka na parang mahirap kang maunawaan at sila’y magsisilayas sa iyong harapan. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-9-12-18-31-37-43.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Walang mapapala ang ayaw magsimula. Ito ngayon ang ilagay mo sa ulo mo. Ito rin ang mismong magpapakilos sa iyo para masimulan mo na ang iyong minimithing pag-asenso. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-16-20-24-27-34-38.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page