Horoscope | Enero 11, 2023 (Miyerkules)
ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | Enero 11, 2023
Sa may kaarawan ngayong Enero 11, 2023 (Miyerkules): Ito ang araw na ipagkakaloob sa iyo ng langit ang lahat ng pinapangarap mo sa buhay. Wala kang dapat gawin kundi humiling at makikita mo na ito ay isa-isang matutupad sa iyong harapan.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Aalalayan ka ng langit, hindi dahil mahina ka kundi upang magtuloy-tuloy ang pag-unlad ng buhay mo. Huwag mong babaguhin ang mga diskarte na ginagawa mo ngayon. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-19-20-24-30-32-33.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Kung saan ka kumita, muli kang kikita ru’n. Kaya mali ang pumapasok sa isip mo na susubok ka pa ng iba. Wala kang dapat na tutukang linya kundi ang dati mo nang ginagawa. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-16-21-26-28-39-40.
GEMINI (May 21-June 20) - Hindi masama kung hihingi ka ng payo, bagkus, ang masama ay ang magkukunwari kang maraming nalalaman. Ipinapayo ng kapalaran na magtanong-tanong ka sa mga marunong. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-lavender. Tips sa lotto-12-22-27-31-35-36.
CANCER (June 21-July 22) - Bakit ka masasaktan kapag hindi mo nakuha ang gusto mo? Magsaya ka kapag ganu’n ang nangyari dahil ito ay malinaw na senyales na ang mapasasaiyo ay mas malaki at maganda sa gusto mo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-5-14-29-33-37-42.
LEO (July 23-Aug. 22) - Oo, mas mataas ang personalidad mo kaysa sa marami, pero higit na magandang mabuhay ka na ang nasa isip mo ay pantay-pantay ang lahat ng nilalang. Ito ang paalala ng kapalaran mo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-13-20-25-28-35-42.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Mabagal ang sobrang maingat. Hindi ka dapat maging sobrang maingat. Bawasan mo ang pagiging negatibo dahil ngayon, ito ang sikreto ng iyong pagyaman. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-16-21-27-38-40-41.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Kalma lang! Ang taong kalmado ay hindi basta-basta nabibigo, pero ang bara-bara ay kusang nagkakamali ng desisyon at napapahamak. Muli, kumalma ka lang. Ito ang mensahe ng kapalaran mo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-8-11-14-26-30-34.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Tinuturuan ka ngayon ng iyong kapalaran kung paano ka lalong uunlad. Tanggapin mo ang ilang hindi masayang kaganapan na labag sa iyong kalooban. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-16-20-22-25-27-39.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Malaki ang magbabago sa buhay mo, lalo na sa larangan ng hanapbuhay. Ang langit ay ayaw na ayaw na maiwanan ka ng iyong mga kasabayan. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-15-26-28-38-40-42.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Dahil hindi mo gusto ang isang bagay, aalisin ito ng langit sa iyong harapan. At kung ano ang iyong magugustuhan, ‘yun ang magiging bahagi ng buhay mo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-17-19-21-23-33-35.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Bigla kang umayaw sa laban at magugulat ang iyong kalaban at saka mo balikan dahil tiyak na siya ang magiging talunan. Ito ang sikreto kung paano ka mananalo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-11-18-22-26-29-31.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Kung sino ang nasa ibaba, siya ang magdadala sa iyo sa itaas. Kung sino ang nasa itaas, siya ang magpapabagsak sa iyo. Ito ang hiwaga ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-6-18-21-24-32-36




Comments