top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Horoscope | Enero 10, 2023 (Martes)

  • BULGAR
  • Jan 10, 2023
  • 2 min read

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | Enero 10, 2023


Sa may kaarawan ngayong Enero 10, 2023 (Martes): Habang lumalaki ka, sinusuwerte ka, gayundin ang mga mahal mo sa buhay. Inorasyonan na ng langit ang iyong kaarawan na nagsasabing, “Magpapatuloy kang masuwerte para makatulong sa iyong kapwa.”


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Hanapin mo ang saya at ito ay iyong makikita. Kumilos at magsalita ka nang masaya at sasaya ka. Wala kang katwiran para magpatuloy ang iyong lungkot. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-9-11-18-30-37-42.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Lumayo ka sa mga paladaing at ang nakikita lang ay kapintasan ng kanyang kapwa. Ito ang mensahe sa iyo ng kapalaran sa araw na ito. Muli, lumayo ka sa mga paladaing. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-7-18-20-25-31-32.

GEMINI (May 21-June 20) - Madadagdagan ang masasayang karanasan mo. Habang nagsasaya ka, hindi dapat mabawasan nang malaki ang laman ng iyong bulsa. Ito ang bilin sa iyo ng kapalaran. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-14-15-23-37-40-42.

CANCER (June 21-July 22) - Hawakan mo ang iyong puso dahil may senyales na ito ay mapapatibok ng isang sobrang masayang kausap. Hindi ngayon ang panahon para magpalit ng minamahal. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-6-10-23-30-39-41.

LEO (July 23-Aug. 22) - Ito ang araw na mas makapangyarihan ang mga kamay mo kaysa sa isip mo. Kahit nakakontra, ang huli ay bubunot pa rin para muli mong pagbigyan ang isang tao. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-16-22-27-33-35-37.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Huwag kang maniwala sa mga salita na iyong maririnig. Ang paniwalaan mo ay ang iyong pandama. Kahit kailan, hindi dinadaya ng pandama ang isang tao. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-17-22-24-26-38-41.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Ito ang araw na ang nagdamot sa iyo ay sobrang galante ngayon. Puwedeng samantalahin mo ang pagkakataong ito na hilingin ang mga bagay na gustong-gusto mo dahil ito ay tiyak na mapasasaiyo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-6-10-28-29-32-35.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Magpapatuloy ang iyong katuwaan dahil matutupad ang matagal mo nang hiling na madagdagan pa ang iyong kaalaman. Dahil dito, palagi kang magpasalamat sa nasa itaas. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-9-10-15-16-28-31.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Huwag kang magbakasakali. Magplano ka nang mabuti nang sa gayun ay makuha mo ang gusto mo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-4-14-25-26-36-42.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Hindi mauubos ang mga taong aalalay sa iyo. Lihim silang nakatanggap ng utos mula sa langit na dapat silang makibahagi para matupad ang iyong mga pangarap. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-3-17-20-22-28-38.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Nahawi ang mga ulap at nagsaya ang mga ibon. Mawawala ang mga alalahanin mo at kakaibang sigla ang mapasasaiyo. Kapag nakadama ka ng kakaibang sigla, ang magagandang kapalaran ay magsisimulang lumapit sa iyo. Masuwerteng kulay-orange. Tips sa lotto-11-16-24-28-30-41.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Ingatan mo ang nasa iyo na. Mas maganda na madagdagan ka pa dahil ito ang tunay na susi sa pagpapaunlad ng buhay. Ito rin ang dapat mong isabuhay. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-7-10-28-33-38-42.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page