top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Horoscope | Disyembre 9, 2022 (Biyernes)

BULGAR
Dec 9, 2022
2 min read

Updated: Dec 10, 2022

ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| Disyembre 9, 2022


Sa may kaarawan ngayong Disyembre 9, 2022 (Biyernes): Unahin mo ang pagpapatatag ng kinabukasan bago ang iba pang bagay. Ito ang utos ng iyong kapalaran, kaya sundin mo na ngayon.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Iyong-iyo ang araw na ito, gayundin ang mga araw pang darating. Makikita mo na ang mga hadlang sa landas ng buhay na iyong nilalakaran ay mahahawa. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-17-20-22-24-37-38.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Muling lalakas ang loob mo, kaya puwede mo nang gawin ang mga nasa isip mo na magpapaunlad sa iyong buhay. Simulan mo na ang mga ito. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-15-21-25-26-34-35.

GEMINI (May 21-June 20) - Nadadapa ang sumusugod nang walang plano. Kaya bago ka kumilos, planuhin mo muna ang bawat hakbang na gagawin mo. Ito ang paalala para sa iyo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-19-25-28-39-40-42.


CANCER (June 21-July 22) - Masasabi mo ngayon ang matagal mo nang saloobin. Bibigyan ka ng langit ng pagkakataon na ito ay ihayag at sabihin dahil hindi maganda ang naiipon ang sama ng loob. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-16-20-23-36-38-40.

LEO (July 23-Aug. 22) - Itataas ang nagpapakumbaba at ibinabagsak ang nagmamataas. Dapat du’n ka sa una kahit sa totoo lang ay napakarami mong puwedeng ipagmalaki. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-3-9-15-16-21-22.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Nakakatuwa ang kapalaran mo ngayon dahil akala mo ay mahina ang iyong loob, pero makakagawa ka ng nakakamanghang bagay dahil sa pagpapakita mo ng kakaibang tapang. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-12-20-25-29-39-41.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Tutukan mo ang iyong kabuhayan dahil ngayon ang masuwerteng panahon para madagdagan ang iyong kinikita. Gayundin, mas maraming materyal na bagay ang nakatakda mong mahawakan. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-14-21-25-28-30-42.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Papaunlad pa ang buhay mo. Hindi mananaig ang mga tao na ang gusto lang ay ang bumagsak at mabigo ka. Ang totoo, sila ang babagsak at mabibigo. Ito ang hatol ng langit. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-15-20-21-27-29-33.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Wala kang dapat ipag-alala. Kumikilos ang iyong kapalaran ayon sa pangarap na gustong-gusto mong mapasaiyo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-14-22-23-36-38-41.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Mawawala ang takot mo na sa totoo lang ay walang basehan. Tatapang ka at magagawa mo ang mga bagay na noon ay hindi mo nagawa. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-orange. Tips sa lotto-5-17-29-31-33-34.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Magbalik-tanaw ka sa iyong buhay. Maiisip mo na kung sininop mo ang iyong mga suwerte, angat na angat ka ngayon. Puwede mo na muling simulan ang pagsisinop at gawin mo na ngayon. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-18-20-22-28-35-37.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Hindi ka makapagpasya kahit alam mong kailangan nang magpasya. Itutulak ka ng kapalaran, kaya magagawa mo ang hindi mo mapagpasyahan at gaganda ang kalagayan mo ngayon. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-11-19-21-28-38-39.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page