top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Horoscope | Disyembre 8, 2020 (Martes)

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Dec 8, 2020
  • 2 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| December 8, 2020



Sa may kaarawan ngayong Disyembre 8, 2020 (Martes): Suwerte ang hatid mo sa bawat madikit sa iyo. Hindi man nila aminin, pero ito ay totoo. Ang misyon mo sa mundo ay magdala ng mga suwerte.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Tibay at tatag ng kalooban higit kailanman ang iyong kailangan ngayon. Dahil kapag matibay at matatag ka, hindi masasayang ang paparating na magagandang kapalaran. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-9-10-15-29-30-33.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Muling dumating ang mga araw kung kailan kusa kang lalapitan ng magagandang kapalaran. Maging masinop at mapagpahalaga ka sa mga bibiyang mapasasaiyo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-11-18-23-28-35-37.


GEMINI (May 21-June 20) - Makipagsapalaran ka dahil ang panalo ay nag-aabang sa iyo. Ang totoo, hindi mo man aminin, ikaw ay sadyang nabubuhay sa pakikipagsapalaran. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-21-23-31-32-39-41.


CANCER (June 21-July 22) - Nakatago sa akala mong pangit na pangyayari ang malalaking suwerte mo. Ang payo ay nagsasabing anuman ang maranasan mo, tanggapin mo ito nang maluwag sa loob. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-6-18-22-28-33-38.


LEO (July 23-Aug. 22) - Huhusgahan ka ng mga mapanghusga. Huwag mo silang patulan, mas maganda na manahimik dahil sa pananahimik, ang mga kalaban ay napapahiya sa kanilang mga sarili. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-17-25-26-35-39-42.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Magaling kang tagapayo. Puwede mo bang payuhan ang sarili mo? Malabo ito dahil pinag-aalinlanganan mo ang ipapayo ng iyong sarili. Ito ang katotohanan sa buhay mo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-6-10-14-15-26-30.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Gumising ka nang maaga simula ngayon at makakaasa ka na dadapo sa iyo ang mga suwerteng hindi mo aakalaing para pala sa iyo. Ito ang mensahe ng kapalaran mo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-11-17-19-21-24-28.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Nadadapa ang nagmamadali. Nabibigo ang natatangay lang ng mga damdamin. Pinaghahandaan dapat ang kinabuksan kaya walang dahilan para magmadali. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-15-17-22-27-33-35.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Kailangang malagpasan ang mga sagabal sa daang nilalakaran nang makarating sa patutunguhan. Huwag mong talikuran ang mga pagsubok sa buhay. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-1-15-22-26-30-42.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Noon pa nagpasya ang langit na hulugan ka ng mga magagandang kapalaran. Ibig sabihin, kahit wala kang gawin at kahit pamali-mali ka, susuwertehin ka pa rin. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-11-19-21-28-33-37.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Huwag kang magbabago ng desisyon kahit may pumasok sa isip mo na parang mas maganda. Ito ang sikreto ng kapalaran na kapag nasunod mo ay bubuwenasin ka. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-16-20-21-29-30-32.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Lalakas ang loob mo, kaya lang, ito ay panandalian lamang, Gayunman, may mga suwerte ka pa rin namang makukuha. Kaya kapag palaging malakas ang loob mo, mas maganda ito. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-7-10-14-16-27-30.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page