Horoscope | Disyembre 31, 2020 (Huwebes)

ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| December 31, 2020
Sa may kaarawan ngayong Disyembre 31, 2020 (Huwebes): Hinahangaan ng langit ang iyong kabaitan at pagiging maawain. Dahil dito, walang katapusan ang mga biyayaang ilalaan para sa iyo.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Mababa ang loob mo ngayon. Lumayo ka muna sa mga mapagkunwaring sila ay nakakaawa dahil sila rin ang unang mandaraya sa iyo. Muli, lumayo ka sa kanila. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-9-18-20-28-29-33.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Bago mo mahalin ang iyong kapwa, mahalin mo muna ang iyong sarili nang sa gayun ay matupad mo ang banal na utos na mahalin natin ang ating kapwa tulad ng pagmamahal natin sa sarili. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-2-8-11-16-20-24.
GEMINI (May 21-June 20) - Panoorin mo ang mga bata na malayang naglalaro nang masaya at nawalang negatibong iniisip. Isabuhay mo ngayon ang buhay na hindi naaapektuhan ng negatibong kasipan. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-18-24-28-30-37-38.
CANCER (June 21-July 22) - Iyung-iyo ang araw na ito. Ibabalik ng langit ang araw na kaya mong gawin ang mga bagay na inakala mong hindi mo magagawa. Mamamangha rin ang nasa paligid mo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-19-21-26-28-34-35.
LEO (July 23-Aug. 22) - Tutulungan ka ng akala mo ay mahina. Aalalayan ka ng hindi mo akalaing kaya kang alalayan. Ito ay pagtuturo sa iyo ng iyong kapalaran na huwag maging mapanghusga. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-2-11-17-28-39-41.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Magdahan-dahan ka at maging maingat. Hindi ngayon ang panahon para sa mabilis na pasya at pagkilos. Pag-aralan mong mabuti ang mga gusto mong gawin sa buhay upang hindi ka mahirapan. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-15-20-21-31-38-42.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Huwag mong ituloy ang balak mong gawin kapag hindi maganda ang opinyon ng iyong makakausap na mas nakakaalam kaysa sa iyo. Masasaktan ka lang kapag matigas ang ulo mo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-12-28-35-38-40-41.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Pabor na pabor ang langit sa mga plano mo. Ang kailangan na lang ay ang ituloy mo ito. Huwag kang mag-alinlangan kahit alam mong ikaw ay may mga kahinaan at naduduwag. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-3-17-22-24-37-42.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Mahina ka ngayon at ito ay alam mo. Alam din ng langit kaya padadalhan ka ng malakas at ikaw ay susunod. Pansamantala lang siya, kaya iwasan mong mahulog ang iyong loob. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-18-21-27-39-40-41.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Ito ang araw kung kailan bubuhos ang tulong ng iyong kapwa at maging ng langit. Wala ka nang katwiran upang malungkot at mawalan ng pag-asa. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-1-7-19-27-38-42.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Mag-aalinlangan ka ngayon. Kakaibang-kakaiba ito sa nagdaang mga araw kung kailan sobrang kumpiyansa ka sa sarili mo at malakas ang loob mo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-9-10-15-17-23-37.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Ito ang araw na mabibigo ang iyong mga lantad at lihim na kaaway. Silang mga naghahangad na masaktan at mapahiya ka ay aani ng sakit at kahihiyan. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-16-23-23-38-40-42.




Comments