Horoscope | Disyembre 3, 2025 (Miyerkules)
- BULGAR

- 15h
- 2 min read
ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | December 3, 2025

Sa may kaarawan ngayong Disyembre 3, 2025 (Miyerkules): Iaangat ka pa sa mas mataas na level at puwesto, hindi papayag ang langit na maungusan ka ng iyong mga karibal. Ito ngayon ang ikinikilos ng kapalaran mo na walang makakapigil.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Pagdaramutan ng langit ang mga taong madadamot at para hindi ka mapabilang sa kanila, dapat maging galante ka. Tandaan mo, hindi kabawasan sa iyo ang mga bagay na ipamimigay mo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-9-18-25-33-35-44.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Pahinga ang mahigpit na inirerekomenda sa iyo ng langit. Sa pamamahinga, walang magagawa ang mga negatibong puwersa na gumugulo sa buhay mo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-3-15-20-23-38-43.
GEMINI (May 21-June 20) - Lihim kang matuwa kapag nadiskubre mo na may hindi magandang motibo sa iyo ang isang tao. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-5-14-17-21-26-34.
CANCER (June 21-July 22) - Talasan mo ang pakiramdam mo. May isang tao riyan na ayaw ipahalata ang damdamin niya sa iyo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-2-12-28-31-37-40.
LEO (July 23-Aug. 22) - Iwasan mong magmalaki. Ito ang mensahe ng langit para sa iyo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-4-13-24-27-30-36.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Nalalagas ang mga dahon para mapalitan ng mga bagong usbong. Tanggapin mo nang maluwag sa loob mo ang mga kaganapan, dahil lahat ay para din naman sa iyong kabutihan. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-5-11-15-23-39-41.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Huwag mong husgahan ang kapwa mo base sa kanilang panlabas na anyo, dahil ang isa sa katotohanan sa buhay ng tao sa mundo ay nagsasabing ang lantay na ginto ay nababalutan ng putik at lupa. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-2-19-28-31-38-44.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Mag-ingat ka sa bawat hakbang na iyong gagawin, dahil may posibilidad na masaktan ka. Pag-aralan mong mabuti ang plano mo bago mo ito ipatupad. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-burgundy. Tips sa lotto-7-11-16-22-28-30.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Iyung-iyo ang araw na ito, hinihintay na ng langit ang iyong kahilingan. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-3-18-24-26-39-45.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Mawawalan ka pero ang madadagdag sa iyo ay labis mong ikatutuwa. Makakalimutan mo na may nawala sa iyo na ang lagi mong maalala ay ang dumapong suwerte sa iyo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-8-11-19-29-33-40.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Huwag kang papadaya sa mga pangakong magaganda. Nakukuha ang ganda ng buhay mula sa taong gumagawa muna ng maganda. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-6-18-20-30-32-43.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Kung ano ang kaya mo, iyon mismo ang ipakita mo. Ito ang susi para hindi na maulit ang mga kabiguan. Sa pagiging tapat at totoo, ang tao ay natatagpuan maligaya. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-7-13-16-28-34-42.





Comments