top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Horoscope | Disyembre 3, 2022 (Sabado)

BULGAR
Dec 3, 2022
2 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| Disyembre 3, 2022


Sa may kaarawan ngayong Disyembre 3, 2022 (Sabado): Mataas ang personalidad mo, kaya hindi ka basta-basta mauutusan. Dahil ang totoo, ikaw ang taga-utos at nakatakdang maging “big boss”. Ito ang papel mo sa ibabaw ng mundo.

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Huwag mong patulan ang mas mababa sa iyo. Sayang lang ang oras na puwede mong gamitin para mapabilis ang iyong pag-asenso. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-10-15-18-23-38-42.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Kunin mo lang kung ano ang kaya mo. Huwag kang sumunod sa utos na piliin mo ang hindi mo naman gusto. Muli, kunin mo kung ano ang gusto mo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-5-8-15-24-33-35.


GEMINI (May 21-June 20) - Papataas ang lahat ngayon, kaya itaas mo rin ang antas ng iyong pagsisikap. Huwag kang umasa na bababa pa ang mga tumaas na. Muli, papataas ang lahat sa ksalukuyan, ganundin ang iyong kita. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-6-7-21-28-30-36.

CANCER (June 21-July 22) - Huwag mong pahirapan ang iyong sarili. Dahil ngayon, madaling dapuan ng karamdaman ang pinahihirapan ang katawan. Mas maganda na dalasan mo ang pamamahinga. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-11-17-24-28-38-41.

LEO (July 23-Aug. 22) - Kahit alam mong angat ka kaysa sa kapwa mo, magpakababa ka pa rin. Dahil sa ganitong paraan, ang mga grasya ng langit ay mapupunta sa iyo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-12-29-30-37-40-43.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Hindi humihinto ang gustong umasenso, kaya huwag kang hihinto. Ituloy mo ang iyong nasimulan. Ang pag-atras ay burahin mo sa iyong bokabularyo. Ito ang mensahe ng kapalaran mo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-2-9-13-17-28-34.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Huwag mong itapon ang sobra. Itabi mo dahil magagamit mo ito sa mga araw na gipit ka. Huwag kang tutulad sa mga nagsasabing ang itinatapon nila ang sobra sa kanila. Masuwerteng kulay-burgundy. Tips sa lotto-4-14-16-25-38-41.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Muli, pag-ipunan mo ang gusto mong bilhin dahil sa pag-iipon mo, marami ka nang naipundar. Ito ang palatandaan ng isang taong nakatakdang umunlad ang buhay. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-19-20-27-30-36-42.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Tanggalin mo ang mga pabigat sa iyo, hindi lamang sa mga tao sa paligid kundi maging ang negatibong ugali mo na hadlang sa tuloy-tuloy mong pag-unlad. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-2-18-22-23-37-40.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Huwag mong tanggihan ang ibinibigay sa iyo dahil langit ang nag-utos na ibigay ang ilang kailangan mo sa buhay. Ginamit lamang na instrumento ng nasa itaas ang mga taong nasa paligid mo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-16-18-20-24-27-33.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Hayaan mo lang ang namimintas sa iyo. Bakit ka magpapaapekto sa kanila? Hayaan mo lang ang mga naiinggit. Bakit mo sila papatulan, samantalang ikaw ang angat na angat? Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-17-21-25-34-40-41.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Kahit nakakadama ka na mahirap umusad sa panahon ngayon, ituloy mo pa rin ang matagal mo nang gustong simulan na magpapaunlad sa iyong buhay. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-9-10-15-22-26-38.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page