top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

Horoscope | Disyembre 28, 2020 (Lunes)

Writer: BULGAR
BULGAR
Dec 28, 2020
2 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| December 28, 2020



Sa may kaarawan ngayong Disyembre 28, 2020 (Lunes): Makakamit mo ang mga ambisyon mo dahil ang kahulugan ng araw ng iyong pagsilang ay “Tagumpay sa Buhay.”


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Gawin mo na ang mga hindi mo nagawa noon dahil ikaw ay nag-alinlangan. Sa kasalukuyan, may pag-aalinlangan ka man o wala, ang alalay ng langit ay mapasasaiyo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-19-20-24-28-30-33.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Tapang at lakas ng loob ang iyong kailangan ngayon. Lahat ng gusto mo, kahit pa ito ay may pagka-imposible o mahirap mangyari, tiyak na tiyak na mapasasakamay mo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-11-18-23-31-34-38.


GEMINI (May 21-June 20) - Humugot ka ng lakas ng loob sa mga taong nagmamahal sa iyo. Hindi ka mabibigo dahil ang pag-ibig ay higit na malakas kaysa sa mga pagsubok na nasa iyong harapan. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-9-16-29-39-40-44.

CANCER (June 21-July 22) - Nagbababala ang araw na ito na maaantala ang mga suwerteng nagdaratingan sa buhay mo dahil ang mga negatibong puwersa ay nangingibabaw sa isip mo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-5-7-14-16-23-24.

LEO (July 23-Aug. 22) - Malakas ka ngayon. Ang totoo nga, mas malakas ka sa mga kaaway at karibal mo. Puwede mo silang harapin at ikaw ang mananalo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-2-19-25-27-36-42.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Huwag mong gamitin ang tapang mo sa mga walang kuwentang bagay tulad ng pakikipagdebate at pamumuna sa mali ng iba. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-14-20-28-30-31-37.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Palagi namang nakahanda ang langit na alalayan ka, kaya lang, madalas ay inaakala mo na kaya mong mag-isa. Pero ngayon, langit mismo ang magdadala sa iyo ng suwerte. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-5-13-18-23-39-46.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Huwag kang tumulad sa mga mapanghusga sa kapwa. Alalahanin mo na ang panghuhusga ay hindi para sa tao dahil langit ang dapat na humusga. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-12-29-32-34-40-42.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Lalapitan ka ng suwerte, kaya ipanatag mo ang iyong sarili. Hindi mo na kailangan pa ng dagdag na sigasig at pagtutok sa gusto mong mangyari. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-15-18-22-25-26-43.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Pahihiramin ka ng lakas ng loob ng isang taong ang gusto ay magtagumpay ka. Siya mismo ang magsasabi sa iyo kung paano at ano ang nararapat mong ikilos. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-20-21-27-34-38-40.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Nagkukunwari lang na malakas ang isang taong malapit sa iyo, pero sa totoo lang, siya ay mahina at ang nagpapalakas ng loob niya ay walang iba kundi ikaw. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-18-21-23-38-40-42.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Ilagay mo sa isang proyekto ang lahat ng lakas ng loob mo. Sa ganitong paraan, mabilis mo itong matatapos. Ang lakas ng loob na ginagamit sa kung anu-anong bagay ay nababalewala lang. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-10-11-16-30-34-41.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page