Horoscope | Disyembre 24, 2020 (Huwebes)

ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| December 24, 2020
Sa may kaarawan ngayong Disyembre 24, 2020 (Huwebes): Lahat ng maganda ay para sa iyo. Ang pangit na nagaganap sa buhay mo ay dahil na rin sa sarili mong pagkakamali, pero patuloy mo pa ring pagandahin ang kapalaran mo.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Kung saan ka masaya, roon ka at magugulat ka dahil kapag masaya ka, ang mga suwerte ay dumarating nang kusa sa buhay mo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-10-14-18-28-29-31.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Lahat ay nagbabago rito sa ibabaw ng mundo. Dumating na ang mga araw kung kailan magbabago na ang isang tao na noon pa gusto magbago. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-15-22-24-28-34-38.
GEMINI (May 21-June 20) - Sobrang nakakaakit ka sa ngayon. Hindi lang mga tao ang maakit saiyo dahil ang mga suwerte na nasa paligid ay mamagnet mo rin. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-Purple. Tips sa lotto-8-15-17-29-34-46.
CANCER (June 21-July 22) - Umiwas ka sa tukso at ang mga tukso ngayon ay lalagay sa harapan mo na ang ibig sabihin, kung sino ang magpapakita sa iyo ng pagtingin ngayon, siya ay isang tukso. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-2-14-17-22-29-35.
LEO (July 23-Aug. 22) - Kumuha ka ng lakas sa isang taong noon pa man ay nagpapalakas na ng loob mo sa mga panahon na ikaw ay pinanghihinaan na ng pag-asa. Ito ang payo ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-20-21-27-32-38-43.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Huwag kang maniwala sa magagandang salita na para bang ikaw ay walang kapintasan. Dapat mong maalala na ang mga mandaraya, magagandang salita ang sandata. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-16-19-24-27-35-44.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Kahit wala o kapos ka rin, tulungan mo ang lalapit sa iyo. Gawin mo dahil ito ang susi para bumukas ang pintuan ng grasya na nasa langit na nakapat sa iyo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-11-18-25-26-36-40.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Huwag kang magduda na ang kapalaran mo ay papaganda. Ito ay upang mapabilis ang pagpasok ng magagandang kapalaran sa buhay mo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-11-16-28-32-36-46.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Lumayo ka sa mga pangit ang ugali. Kilalala mo sila dahil sila ay iyong nakakasama. Masama ang mamintas, kaya ang magagawa mo na lang ay layuan sila. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-3-21-28-37-40-41.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Hinuhusgahan ang maruming kamay. Ang gumawa ng pagkakamali sa iyo ay maghuhugas ng kamay na ang ibig sabihin, simula ngayon, gagawa siya ng kabutihan sa iyo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-18-20-27-39-40-45.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Nasa malayo ang mga suwerte mo ngayon. Kaya ang mga kaibigan mong nasa malayo ay handang ibigay ang iyong magiging kahilingan. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-16-32-38-40-43-47.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Buksan mo ang iyong puso kahit hindi muna sa pag-ibig kundi sa pakikipagkaibigan. Hindi maganda sa tao ang nakasara ang puso na para bang siya ay wala nang pag-asa pa na lumigaya. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-2-13-16-24-30-38.




Comments