top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Horoscope | Disyembre 23, 2022 (Biyernes)

BULGAR
Dec 23, 2022
2 min read

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | Disyembre 23, 2022


Sa may kaarawan ngayong Disyembre 23, 2022 (Biyernes): Lagyan mo ng saya ang iyong buhay at ito ay palagi mong gawin dahil ang pagiging masaya ay susi para mapasaiyo ang magagandang kapalaran.

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Samantalahin mo ang mga pagkakataon na binibigyan ka ng panahon na mabilis mong mapaunlad ang iyong kabuhayan. Ito ang mensahe sa iyo ng kapalaran. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-4-19-20-24-30-31.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Pasasayahin ka ng mga nasa paligid mo, gayundin ang langit. Ito ang araw na isa-isa nang magkakatotoo ang mga hiniling mo noon na hindi natupad. Ito ang magandang balita para sa iyo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-17-21-25-27-39-42.

GEMINI (May 21-June 20) - Huwag mong labanan ang iyong sarili na magdagdag pa ng mga personal na gamit. Dahil ang ganu’n ay pagdadamot sa sarili at pagbabawas ng saya at ligaya. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-3-9-15-16-24-34.

CANCER (June 21-July 22) - Nakakakuha ng suwerte sa madalas na makasama. Dumikit ka sa mga kilala mong nagtatagumpay sa buhay nang sa gayun ay mapabilang ka sa kanilang hanay. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-6-17-20-21-23-38.

LEO (July 23-Aug. 22) - Bukod sa materyal na bagay na iyong itutulong, samahan mo na rin ng payo dahil ang una ay nagiging sanhi ng palaasa. Pero ang ikalawa ay mag-aangat sa kanya sa malalim na pang-unawa at katalinuhan. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-7-19-26-27-36-40.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Habang lumalakad ang mga araw mo, papaganda ang iyong kapalaran dahil natututo ka mula sa mga aral sa buhay na nakukuha mo. Huwag mong takasan ang mga pagsubok. Masuwerteng kulay-silver. Tips sa lotto-17-21-28-30-31-32.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Hindi puwedeng nag-iisa ka. Hindi rin puwedeng kaunti lang ang iyong mga kaibigan at hindi puwedeng hindi ka madalas na namamasyal. Ito ang bilin ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-2-16-18-27-38-41.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Nakakapag-isip nang mabuti kapag nananahimik. Kaya manahimik ka muna. Sa pananahimik, magbulay-bulay ka at magplano. Tiyak na ang suwerte at tagumpay ay mapasasaiyo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-15-16-25-27-36-41.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Malakas ang dating ng magandang suot, pero may malakas na pang-akit ang maganda ang kilos. Pareho mong isabuhay ang mga ito nang sa gayun ay mabilis kang suwertehin at umasenso. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-11-18-22-26-31-34.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Kahit hirap at pagod, ngumiti ka. Hindi ka makakapaniwala na ang magagandang kapalaran ay ngingiti rin sa iyong buhay. Ito ang payo sa iyo habang papalapit ang Pasko. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-2-18-27-30-33-36.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Piliin mo lang ang iyong pakikisamahan upang hindi ka magsisi. Marami ang magtatangkang dumikit sa iyo na may lihim na motibo na sila ay makikinabang sa iyo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-15-25-26-39-40-42.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Kung noon ay tila hindi natutupad ang mga gusto mo, ngayon ay isa-isa itong magkakatotoo. Patuloy kang magpasalamat sa pamamagitan ng pagtulong sa mga kapos-palad upang bumuhos sa iyo ang mga suwerte. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-7-19-20-23-25-36.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page