top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Horoscope | Disyembre 22, 2022 (Huwebes)

  • BULGAR
  • Dec 22, 2022
  • 2 min read

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | Disyembre 22, 2022


Sa may kaarawan ngayong Disyembre 22, 2022 (Huwebes): Nakakatuwa ang mabuting balita na kahit saan ka mapunta, suwerte ang iyong dala. Hindi man aminin, marami ang bubuwenasin dahil sa iyo. Habang binubuwenas sila, mas maraming suwerte ang darating sa iyo.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Huwag mong talikuran ang akala mo’y malalaking problema sa iyong harapan. Tulad ng mga multo, wala itong laman at buto. Bagama’t nakakatakot, hindi totoo ang mga ito. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-4-19-20-24-39-41.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Lumilitaw ang ganda kapag masaya. Ngayong Kapaskuhan, magsaya ka, kumilos at magsalita ka nang masaya. Lahat ng gagawin mo ay lagyan mo ng saya. Sa ganitong paraan, sasaya rin ang iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-7-10-14-21-24-33.

GEMINI (May 21-June 20) - Huwag mong ipilit ang sa iyo dahil walang tao na palaging tama. Sundin mo ang payo ng mga kaibigan mo. Hindi sila tunay na nakakontra sa iyo dahil ang totoo, mahal ka nila. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-2-18-21-25-28-30.


CANCER (June 21-July 22) - Kapag hindi ka kumilos ngayon, marami kang panghihinayangan sa buhay mo. Kapag kumilos ka, mabigo ka man ay ayos lang dahil ginawa mo ang nararapat na gawin. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-6-18-21-26-34-35.

LEO (July 23-Aug. 22) - Hindi nabubuhay ang tao dahil sa sarili niya. Ikonsidera mo rin ang kaligayahan ng iba. Hindi maganda kung ikaw lang ang masaya, kung saan ang kapwa mo ay hindi naman masaya. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-4-16-20-25-27-36.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Namumulaklak ang mga halaman sa takdang panahon. Ngayon, nakatakdang mamulaklak ang iyong kapalaran. Magpasalamat ka sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga regalo sa mga kapos-palad. Masuwerteng kulay-gray. Tips sa lotto-17-23-26-38-40-41.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Bakit pilit na hinahanap ng katwiran ang lantad na kamalian? Kaya lang, hindi ka rin masisisi dahil ngayon, ikaw ay sobrang nagmamahal. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-burgundy. Tips sa lotto-9-10-17-22-25-38.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Totoong nagbabago ang lahat, pero minsan, ang pagbabago ay para sa ikatutuwid ng pagkakamali sa nakaraan dahil ang isa pang totoo, nagkakabalikan ang naghiwalay na. Masuwerteng kulay-maroon. Tips sa lotto-5-18-21-27-29-32.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Hindi nakukuha sa biglaan ang tunay na kaunlaran. Ipinupundar ang kabuhayan nang dahan-dahan, habang pinagsisikapan itong gawin. Ito ang mensahe ng kapalaran mo. Masuwerteng kulay-lilac. Tips sa lotto-5-11-17-22-24-30.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Kakaiba ang kapalaran mo ngayon. Kikilos ang mga lihim mong kaaway at sa biglang tingin, ikaw ay talunan pero sa huli, sila talaga ang natalo mo. Masuwerteng kulay-orange. Tips sa lotto-15-20-26-28-30-31.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Ito ang araw na aalisin ng langit ang iyong sama ng loob at kalungkutan. Sa darating na Pasko, puro saya na lang at ligaya ang tiyak na mapasasaiyo hanggang sumapit ang taong 2023. Masuwerteng kulay-gold. Tips sa lotto-1-11-17-25-28-38.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Tanggapin mo kahit hindi gaanong malaki ang ibinibigay sa iyo. Ang mahalaga ay ang pagpapakita ng kabaitan sa iyo. Ito ang mensahe ngayon ng kapalaran mo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-7-18-22-24-34- 40.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page