top of page

Horoscope | Disyembre 2, 2025 (Martes)

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 43 minutes ago
  • 2 min read

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | December 2, 2025



Horoscope


Sa may kaarawan ngayong Disyembre 2, 2025 (Martes): Napakalakas ng iyong damdamin at panggayuma. Ito rin ay nagsasabi na sinumang madikit sa iyo, tiyak na maaakit mo nang husto. Subalit, ang kakaibang katangian ito ay gamitin mo lang sa kabutihan.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Isip ang paganahin mo at manatili ka sa tuwid na landas ng iyong buhay. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-3-11-18-25-34-41.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Tapusin mo na ang dapat tapusin, dahil hindi mo puwedeng mapabayaan ang mahahalagang gawain. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-8-17-24-29-35-42.


GEMINI (May 21-June 20) - Babagal ang takbo ng kapalaran mo dahil makikitang lumalapit ka sa tukso. Dapat mong malaman na ang tukso ay sagabal sa pag-asenso ng isang taong tulad mo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-5-16-20-23-31-33.


CANCER (June 21-July 22) - Muling nagbalik ang mga araw na ikaw ay mapalad. Pasayahin mo ang mga malalapit sa buhay para suwertehin at sumagana ka. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-4-11-19-22-39-44.


LEO (July 23-Aug. 22) - Hinay-hinay lang. Hindi magandang magluto kapag sobrang lakas ng apoy. Ito ang gawin mong gabay sa buhay mo, hindi lang sa ngayon kundi magpakailanman. Masuwerteng kulay-orange. Tips sa lotto-1-18-21-27-36-45.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Walang problema na hindi mo kayang ayusin. Sapat na ang iyong talino at karanasan upang maresolba ang mga suliranin. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-2-13-15-28-35-44.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Aayusin ng langit ang mga hindi mo kayang ayusin. Ito ay para patunayan na ikaw ay espesyal sa mata ng langit. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-3-16-21-30-37-40.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Kumilos ka na parang nakuha mo na ang gusto mo. Ito ang isang sikreto ng positibong kaisipan na nagsasabing kung ano ang laman ng isip mo, tiyak na magkakatotoo sa reyalidad. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-6-9-12-29-31-43.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Bumaba ka na, kumbaga makihalubilo ka sa mga pangkaraniwang tao. Mula sa kanila, may matutuklasan kang lihim ng magdadala sa iyo sa maligayang buhay. Masuwerteng kulay-burgundy. Tips sa lotto-3-11-24-34-38-41.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Magmamadali nang lumapit sa iyo ang mga suwerteng noon mo pa hinihintay. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-8-13-20-27-34-45.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Hindi nananatili ang hangin sa iisang lugar. Ito ang lihim na dahilan kung bakit madali kang magsawa sa lahat ng bagay. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-4-17-23-28-35-42.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Pabalik-balik lang ang mga karanasan. Ngayon kayo nakatakdang magkabalikan ng taong dati nang nagbigay sa iyo ng masarap na buhay. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-2-19-25-33-36-41.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page