Horoscope | Disyembre 17, 2025 (Miyerkules)
- BULGAR

- 7 hours ago
- 2 min read
ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | December 17, 2025

Sa may kaarawan ngayong Disyembre 17, 2025 (Miyerkules): Malakas ang iyong karisma, kaya mahirap kang tanggihan ngayon. Makukuha mo anumang gustuhin mo sa pamamagitan ng iyong karisma.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Kumapit ka lang. Mabibigat na pagsubok ang nasa iyong harapan, pero ang mga ito ay hindi kasing lakas ng mga pagsubok na iyong pinagdaanan. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-3-10-23-29-35-42.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Inuutusan ka ng langit na ipakita ang iyong kakaibang ganda. Kapag sinikap mong pagandahin ang iyong pisikal na katangian, gayundin ang iyong panloob, kasunod nito ay sunud-sunod na suwerte na ang matatanggap mo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-9-15-26-31-34-44.
GEMINI (May 21-June 20) - Lumaban at huwag kang umiwas sa mga hamon ng iyong kapalaran. Nakamasid sa iyo ang langit na kapag nagpakita ka ng tapang, ang pinakagusto mo sa buhay ay tiyak na ipagkakaloob sa iyo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-2-19-21-30-36-43.
CANCER (June 21-July 22) - Yumuko ka kung kinakailangan. Ibig sabihin, ang pagmamalaki ay dapat mong iwasan. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-2-11-16-22-33-42.
LEO (July 23-Aug. 22) - Ngayon mo gawin ang iyong pangungulit. Makakaasa ka na makukuha mo ang gusto mo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-1-14-20-23-34-41.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Maging matatag ka ngayon. Magagawa mo ito kapag binalikan mo ang mga nakaraang panalo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-9-17-24-28-38-45.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Sukatin mo muna ang kakayahan ng mga taong dikit nang dikit sa iyo. Sa ganitong paraan, makakaiwas ka sa mga hindi bagay sa iyo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-2-13-18-29-36-40.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Kumakapit ang suwerte sa taong positibo ang pananaw sa buhay. Kaya maging positibo ka. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-4-10-23-30-32-43.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Ngayon na ang mga araw kung kailan kailangan mong sumugod, dahil ang iyong mga karibal ay nahihirapan na. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-1-12-24-29-31-42.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Dumarami ang isa at gayundin ang iba. Kaya paramihin mo rin ang hawak mo ngayon upang ‘di ka mabigo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-8-16-21-30-36-40.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Sapat na ang iyong talino at karisma upang maabot mo ang dulo ng iyong mga pangarap. Kaya lakasan mo ang loob mo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-2-19-23-25-39-43.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Huwag kang kukurap. Ibig sabihin, ang pag-aalinlangan ay hindi dapat maghari sa iyong puso. Masuwerteng kulay-orange. Tips sa lotto-7-10-15-26-34-39.






Comments