top of page

Horoscope | Disyembre 15, 2025 (Lunes)

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 1 day ago
  • 2 min read

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | December 15, 2025



Horoscope


Sa may kaarawan ngayong Disyembre 15, 2025 (Lunes): Nagkakamali ang tao, subalit langit ang mas makapangyarihan at kaya nitong itama ang isa pang pagkakamali. Kaya huwag kang matakot at mangamba—anuman ang mangyari, itatama pa rin iyon ng langit.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Nadarama mo ba na papaganda na ang takbo ng buhay mo? Tama ang iyong nadarama; tunay ngang ang kapalaran mo’y paganda na nang paganda. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-1-9-29-34-36-45.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Suwerte ka ngayon. Subalit, sino naman kaya ang mamalasin? Sino pa nga ba, kundi ang mga taong walang ginawa kundi kontrahin ka. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-7-19-24-28-35-41.


GEMINI (May 21-June 20) - Maganda ang nangyayari sa buhay mo, pero mas lalo pa itong gaganda kung maghinay-hinay ka. Sa paghihinay-hinay, nagagawa ng isip na makabuo ng mas magandang plano. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-8-13-15-26-37-44.


CANCER (June 21-July 22) - Malakas ngayon ang iyong karisma, pero mas maganda kung mag-iingat ka. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-5-18-20-34-39-42.


LEO (July 23-Aug. 22) - Buksan mo ang iyong isipan upang mapalapit ka sa mga taong kakakilala mo lang. Ang pananatili sa hindi magandang kalagayan ay isang malaking pagkakamali. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-2-14-25-27-30-41.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Mahina ka! Akala mo lang malakas ka, pero ang totoo, inaalalayan ka ng langit para makuha mo ang mga bagay na gusto mo. Tanggapin mo ang katotohanang ito at huwag mo itong tanggihan. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-4-17-24-28-38-42.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Huwag kang mag-alala sa mga bagay na nawawala sa iyo, dahil ito ay hindi naman talaga para sa iyo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-9-19-22-29-36-43.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Hindi puwedeng sabay-sabay na kinukuha ang maraming bagay, dahil sa huli, isa sa mga gusto mo ay hindi mapapasaiyo. Isa-isa lang dapat at muli, hindi puwedeng sabay-sabay. Masuwerteng kulay-burgundy. Tips sa lotto-7-13-21-26-34-45.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Kung ano ang maganda, iyon ang piliin mo. Kaya huwag kang maguluhan. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-3-15-25-30-39-44.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Suwerte ka ngayon sa anumang klase ng pakikipagsapalaran. Ang totoo, magtutuluy-tuloy pa ang iyong buwenas. Alalahanin mo ang mga taong umalalay sa iyo noong panahong ikaw ay gipit. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-8-20-23-28-31-40.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Mas gaganda ang kapalaran mo kung nasa malayo ka. Ito ang tandaan mo ngayon. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-6-10-14-22-24-32.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Kung ano ang nangyari noon, iyon pa rin ang mangyayari ngayon, dahil sa silong ng langit ay wala namang bago; kaya nga ang kasaysayan ay pabalik-balik lang. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-5-11-16-20-37-41.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page