Horoscope | Disyembre 17, 2022 (Sabado)
ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| Disyembre 17, 2022
Sa may kaarawan ngayong Disyembre 17, 2022 (Sabado): Malalaking suwerte ang nakalaan sa iyo. Ito ang lihim na dahilan kaya pilit kang pinatitibay, gayundin, upang hindi masayang ang malalaking suwerte na darating sa iyo.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Mabibigat ang pangyayari sa iyong harapan. Kailangan mo ng inspirasyon mula sa taong nagpapasaya sa iyo. Kapag inspirado ang isang tao, lahat ay kanyang kakayanin. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-11-19-20-27-31-33.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Saan makikita ang suwerte? Saan pa nga ba, kundi sa malapit lang sa iyo. Ibig sabihin, huwag kang maghanap sa malayo dahil muli, nasa malapit lang ang suwerte mo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-6-18-23-24-39-41.
GEMINI (May 21-June 20) - Lagyan mo ng kislap ang iyong buhay at tiyak na susuwertehin ka. Ang mga ngiti mo, kahit munti lang ay ayos na, lalo na kung tutugmaan mo ng masayang kilos. Ito ang sikreto ng kapalaran mo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-5-18-21-27-31-34.
CANCER (June 21-July 22) - Kapag masaya ang buhay pag-ibig mo, ang mga suwerte ay magdaratingan sa iyo. Ayusin mo ngayon ang gusot at problema nang dumapo sa iyo ang magagandang kapalaran. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-5-11-17-22-26-28.
LEO (July 23-Aug. 22) - Gusto mo bang suwertehin? Gumawa ka ng kabutihan sa taong hindi mo kilala at pagkatapos nito, tiyak na susuwertehin ka. Gawin mo na ito ngayon. Ito ang sikreto ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-19-22-27-30-32-38.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Magsuot ka ng bago at magbabago ang kapalaran mo papunta sa masasayang pangyayari na hindi mo makakalimutan sa mahabang panahon. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-6-10-15-16-25-32.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Huwag kang magpatangay sa gustong bihagin ka. Ang malayang pagpapasya ay magbibigay sa iyo ng tunay na ligaya. Ito ang sikreto ng kapalaran mo sa kasalukuyan. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-19-22-27-30-38-41.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Naligaw ka dahil sa iyong naranasang kalungkutan. Ang masuwerteng balita ay nagsasabing, ibinalik na ng langit ang iyong tunay na kaligayahan. Yakapin mo at sasaya kang muli. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-19-24-26-30-41-42.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Hindi ka bibiguin ng iyong kapalaran. Ikaw ay natagpuang may malinis na hangarin, kung saan aangat ang buhay ng iyong minamahal. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-4-19-22-28-30-31.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Ito ang takdang araw na pakikinggan ng langit ang iyong magiging kahilingan. Huwag mong habaan ang mga salita na iyong gagamitin para sa paghiling mo. Masuwerteng kulay-orange. Tips sa lotto-18-23-27-34-39-42.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Nakakagulat ang iyong kapalaran ngayon dahil ito ay nagsasabing, lihim mong gawan ng mabuti ang galit sa iyo. Kapag nagawa mo ito, tatanggap ka ng malalaking biyaya mula sa langit. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-9-15-16-24-28-30.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Ito ang tamang araw para sa pagbuo ng mga plano para sa iyong kinabukasan. Samantalahin mo ang masuwerteng araw na ito para sa iyo at matutupad ang lahat ng plano mo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-17-26-27-36-38-40.




Comments