top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Horoscope | Disyembre 17, 2020 (Huwebes)

Writer: BULGAR
BULGAR
Dec 17, 2020
2 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| December 17, 2020



Sa may kaarawan ngayong Disyembre 17, 2020 (Huwebes): Magagandang ideya ang nabubuo sa iyong iisipan na kung lalakipan mo ng kaukulang pagkilos ay mabilis kang yayaman. Ito ang kahulugan ng araw ng iyong pagsilang.

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Madaragdagan ang kaalaman mo sa pamamagitan ng pakikinig sa may alam at sanay na. Sa ganitong paraan, malabong mabigo ka sa sisimulan mong proyekto. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-19-20-24-28-30-33.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Kumukupas ang pag-ibig kapag kulang sa dilig ng pagmamahalan. Huwag mong hayaan na mabawasan ang pagtitinginan n’yo ng iyong karelasyon. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-16-18-25-28-31-32.

GEMINI (May 21-June 20) - Nakakasawa ang paulit-ulit na ikot ng buhay sa araw-araw kung hindi susubok ng bagong pakikipagsapalaran. Hindi puwede na talunin ka ng lungkot, kaya gumawa ka ng paraan. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-5-11-13-38-39-42.


CANCER (June 21-July 22) - Mula sa malayo, ang magagandang bagay ay magdaratingan sa buhay mo. Wala kang gagawin kundi tanggapin ang mga ito. Hindi dapat umiral sa iyo ang pagiging mahiyain. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-2-10-18-27-29-34.

LEO (July 23-Aug. 22) - Bagong pananaw ang papasok sa isipan mo. Ito ay kakaiba kaysa sa dating pinaniwalaan mo. Nagbabalita ito na magkakaroon ka ng mga bagong kaibigan na magpapasaya sa buhay mo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-14-16-19-21-28-35.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Tagapagturo ang papel mo ngayon sa mundo. Huwag mong pagdamutan ng mga kaalaman ang lalapit sa iyo. Tulad ng isang estudyante, mamahalin niya ang kanyang guro. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-12-20-29-31-40-43.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Kung nasaan ang puso mo, roon ka. Puwede mo ring labanan ang iyong damdamin, kaya lang, ang lihim na kalungkutan ay mamamalagi sa iyong kalooban. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-9-17-22-28-30-35.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Salubungin mo ang mga araw na darating kung saan maraming oportunidad ang mapasasaiyo. Ngayon pa lang ay puwede ka nang magdiwang kasama ang ilang mga kaibigan. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-15-24-26-34-37-41.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Hindi inaawat ang galit ng galit. Hinahayaan lang dahil kahit gaano katindi ang galit, tulad ng malakas na bagyo, ito ay humuhupa rin. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-4-16-19-23-39-43.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Walang masama sa nagtatanong, pero ito ay kung ang nagtatanong ay talagang gustong matuto. Pero mag-ingat ka sa nagtatanong sa iyo na may masamang motibo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-1-11-16-28-29-33.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Matindi ang paghahanda kapag ang gustong gawin ay malaking proyekto. Ibig sabihin, huwag kang sugod nang sugod upang hindi ka magkamali. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-18-21-25-28-30-37.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Hindi ka mauubusan ngayon ng suwerte. Lakasan mo ang iyong loob na gawin ang anumang gusto mo. Makipagsapalaran ka at mapasasaiyo ang walang kapantay na ligaya. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-13-16-18-21-29-35.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page