top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Horoscope | Disyembre 15, 2022 (Huwebes)

BULGAR
Dec 15, 2022
2 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| Disyembre 15, 2022


Sa may kaarawan ngayong Disyembre 15, 2022 (Huwebes): Hindi mo na kailangan pang mag-abroad dahil puwede ring gumanda ang buhay mo kahit hindi ka umalis. Gayunman, may mga suwerte ka sa pangingibang-bansa.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Noon pa man, lumalapit na sa iyo ang mga suwerte. Sa araw na ito, muli kang lalapitan ng magagandang kapalaran kahit kulang ka sa pagkilos. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-17-22-28-30-34-42.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Iyong-iyo ang araw na ito, gayundin ang mga araw na darating. Makikitang bumubukas ang pinto ng mga oportunidad na puwedeng magbigay sa iyo ng malalaking yaman. Masuwerteng kulay-burgundy. Tips sa lotto-10-11-18-21-23-39.

GEMINI (May 21-June 20) - Napapaligiran ka ng mga tukso at aminin mo man o hindi, malakas ang dating sa iyo ng ilang tukso na noon pa man ay nagpaparamdam na sa iyo. Dahil dito, magpakatatag ka. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-2-15-16-24-27-34.


CANCER (June 21-July 22) - Ito ang araw na kakampihan ka ng nasa itaas. Dahil kakampi mo ang langit, lahat ng binabalak mo ngayon ay isa-isang magkakatotoo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-5-9-17-18-25-26.


LEO (July 23-Aug. 22) - Mahina ka ngayon, lalo na sa magpapakita sa iyo ng kabaitan kahit ang kanilang kabaitan ay pakitang tao lamang. Ang payo ay nagsasabing, makinig ka sa sinasabi ng malalapit mong kaibigan. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-19-20-28-30-33-35.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Minsan ay bumababa ang hari sa trono at ang pinauupo ay pangkaraniwang tao. Ngayon, ang aangat ay pangkaraniwan. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran sa kasalukuyan. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-12-20-22-23-39-40.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Gawin mo ang anumang gusto mo dahil babantayan ka ng langit, kung saan ang mga kokontra sa iyo ay makakaranas ng hindi magagandang kapalaran. Ito ang paalala ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-11-14-16-24-39-42.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Huwag kang mag-isip ng negatibo dahil kung ano ang laman ng isip, kadalasan ay nangyayari sa tunay na buhay. Kaya mas maganda na mag-isip ka ng positibo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-17-20-26-27-38-41.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Walang mararating ang walang pangarap. Mangarap ka nang mangarap upang malayo ang iyong marating. Ibig sabihin, sa malapit na hinaharap ay totodo ang yaman mo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-14-19-21-28-30-32.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Bakit hindi mawala ang takot mo gayung nadadama mo na ang pagganda ng iyong kapalaran? Tiwala lang ang kailangan mo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-15-20-23-25-38-41.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Minsan ay malikot ang kapalaran. Ipanatag mo ang iyong sarili dahil sa iyo maninirahan ang magagandang bagay. Matagal nang inilaan ng langit ang tuloy-tuloy mong suwerte. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-16-22-25-27-31-33.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Hindi natitinag ang malakas, kaya palalakasin ka ngayon ng langit nang sa gayun ay maging matatag ka laban sa mga hamon ng iyong kapalaran. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-19-25-26-38-39-42.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page