Horoscope | Disyembre 15, 2020 (Martes)

ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| December 15, 2020
Sa may kaarawan ngayong Disyembre 15, 2020 (Martes): Mabilis ang mga pangyayari sa buhay mo, kaya kung gugustuhin mong yumaman, mabilis ka ring yayaman. Ito ang masuwerteng balita para sa iyo.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Ngayon puwedeng magsimula ang masusuwerteng araw mo para sa mabentang negosyo. Huwag mong sayangin ang pagkakataon, tutukan mo ang pagkita ng malalaki. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-9-17-23-25-34-35.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Mabilis mong makukuha ang anumang gusto mo, pero kailangang malaman mo na ang mabilis na nakukuha ay hindi pinaghirapan kaya hindi rin pinahahalagahan. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-18-20-21-26-28-33.
GEMINI (May 21-June 20) - Iyung-iyo ang araw na ito. Mababawi mo ang mga nawala sa iyo at madaragdagan pa ito, gayundin, ang masuwerteng dagdag na balita ay hindi ka gaanong mahihirapan. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-7-11-15-16-27-32.
CANCER (June 21-July 22) - Muli kang malilito dahil parehong seryoso ang nasa harapan mo. Hayaan mo lang na lumakad ang mga araw at ang mananatili sa iyo ay talagang para sa iyo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-11-13-20-24-28-39.
LEO (July 23-Aug. 22) - Parang isang kisap-mata, biglang magbabago ang takbo ng mga pangyayari at mamumulat ka kung saan ang tunay na ligaya ay yakap-yakap mo. Magpasalamat ka sa nasa itaas. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-16-21-25-26-31-38.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Mapasasaiyo ang pananalo at ito ay higit sa inaasahan mo. Ang mga ito ay kambal na parang nagkakadikit at mabilis na gumuguhit sa kapalaran mo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-5-13-18-22-29-30.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Hayaan mong magsalita ang mga gustong magsalita laban sa iyo. Hindi naman sila ang mahalaga at ang mga sasabihin nila ay wala ring kuwenta. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-4-17-20-21-24-27.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Kung ano ang gusto mo, ‘yun ang sundin mo. Bakit mo gagawin ang gusto ng iba para lang pagbigyan sila? Mali ang ganu’n para sa iyo. Ito ang mensahe ng kapalaran mo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-9-18-21-29-30-36.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Ipagpatuloy mo ang pagtutok sa trabaho dahil ang paglilibang ay magpapabagal sa mga proyekto. Pagkatapos ng lahat, saka ka pa lang puwedeng maglibang at magpakasaya. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-19-20-25-28-39-42.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Ngayon ang tamang araw para itakwil ang hindi magagandang katangian. Ngayon din ang tamang araw para simulan ang pagpapalago ng kabuhayan. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-16-18-21-27-33-32.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Labanan mo ang lamig ng panahon. Magsipag ka tulad ng isang nagmamadaling umasenso. Gawin mong abala ang mga kamay mo kasabay ng mga plano sa isipan mo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-14-16-20-24-29-30.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Kung sino ang mas malapit sa puso mo, siya ang para sa iyo. Dahil ang totoo, langit mismo ang gumawa ng paraan upang maging malapit kayo sa isa’t isa. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-4-18-20-28-33-37.




Comments