top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Horoscope | Disyembre 14, 2020 (Lunes)

Writer: BULGAR
BULGAR
Dec 14, 2020
2 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| December 14, 2020



Sa may kaarawan ngayong Disyembre 14, 2020 (Lunes): Noon pa man, mula sa araw na ikaw ay isinilang, ang pananalo ay iyo nang kakambal. Kaya huwag na huwag mong aatrasan ang mga hamon ng kapalaran.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Bibigyan ka ngayon ng langit ng lakas ng loob na gawin ang mga bagay na inaakala mong hindi madali at ikaw ay mahihirapan. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-8-10-27-29-30-31.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Maghiram ka ng tapang sa kilala mong hindi takot makipagsapalaran. Ito ang susi para sa iyo nang sa gayun ay hindi ka mapag-iwanan at ikaw pa ang mang-iwan sa iyong kasabayan. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-18-26-28-33-35-37.


GEMINI (May 21-June 20) - Binabalaan ka na ingatan mo ang labis na tiwala sa iyong sarili. Kaya wala nang gaganda pa ngayon na alalahanin o balikan mo ang mga araw na ikaw ay nabigo at napahiya. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-11-12-29-39-40-42.

CANCER (June 21-July 22) - Dumating na mga araw kung kailan puwedeng-puwede mong ipakita ang itinatago mong magagandang katangian. Ngayon, maraming sasaludo sa galing at husay mo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-9-15-17-27-36-41.

LEO (July 23-Aug. 22) - Gawin mo na ngayon kung ano ang gusto mong gawin kung saan ang paalala ay habang ginagawa mo ito, ikonsidera mo ang damdamin ng iyong kapwa, lalo na ng mga taong malapit sa iyo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-2-11-18-20-23-26.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Ngayon mapatutunayan sa iyong kapalaran na ang iyong hiling sa langit ay natutupad kahit pa sa totoo lang ay napakarami nang pagkakamali mo sa iyong buhay. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-18-21-31-38-40-41.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Nakatutuwa at mahirap paniwalaan ang kapalaran mo ngayon. Ang inakala mong walang kuwentang tao ay siya pa pala ang magbibigay sa iyo ng paraan para ikaw ay buwenasin. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-5-16-17-24-26-30.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Uutusan ka ngayon ng langit na sundin mo at huwag kontrahin ang iyong nararamdaman. Sa totoo lang, ang tunay na nakaaalam kung ano ang dapat ay ang nasa itaas. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-16-20-29-35-38-41.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Muling aayon sa plano mo ang mga pangyayari sa iyong harapan. Kaya ngayon ang masuwerteng araw upang isagawa ang iyong mga nabuong plano. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-19-25-27-34-37-42.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Magsisibalikan ang mga nawala sa iyo, gayundin ang mga lumayo sa iyo. Kung sino lang ang nadarama mong bahagi pa ng iyong pagkatao ay iyong tangggapin. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-10-15-23-26-30-41.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Sino ang umayaw, pero muling nagkagusto at muli ring umayaw pero muli na namang nagkagusto? Sino pa nga ba kundi ikaw. Sa ngayon, magpapabagu-bago ka ng pasya. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-18-24-25-33-40-42.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Hindi maganda ang sobrang malakas ang loob, gayundin ang sugod nang sugod. Ang payo ay nagsasabing magpreno ka at saka mag-isip nang mabuti upang hindi ka magsisisi sa huli. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-8-11-14-28-39- 42.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page