Horoscope | Disyembre 13, 2020 (Linggo)
ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| December 13, 2020
Sa may kaarawan ngayong Disyembre 13, 2020 (Linggo): Pagbabago ang kahulugan ng araw ng iyong pagsilang. Ang mga pangyayari at kahit ang mga tao ay kaya mong baguhin at maging ang sarili mo.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Madidikit kang muli sa isang mahirap na maunawaang nilalang. Sa pagdidikit n’yo, ikaw ang makikinabang hanggang sa nagkukuwari kang siya ay iyong naiintindihan. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-19-20-25-39-40-42.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Huwag mong ituloy ang pasya mo. Kumilos ka nang wala kang ipinasya at magugulat ka dahil ang mga pangyayari ay papabor sa mga gusto mong mapasaiyo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-11-16-24-28-39-41.
GEMINI (May 21-June 20) - Babagal ang kilos mo dahil sa mga taong panay ang kontra sa iyo, pero ang pagkontra nila ay walang sapat na basehan kundi nililito lang ang iyong isipan. Ito ang paalala sa iyo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-7-18-21-26-38-42.
CANCER (June 21-July 22) - Makukuha mo ang gusto mo, pero hindi magmumula sa taong gusto mo. Magmumula ito sa hindi mo inaasahang panggagalingan ng iyong kasiyahan. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-3-17-28-30-32-37.
LEO (July 23-Aug. 22) - Kontrolado mo ang sitwasyon, pero sa biglang tingin, wala kang magagawa sa takbo ng mga pangyayari. Gayunman, ikaw pa rin at wala nang iba pa na sa huli, ito ang masusunod. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-6-18-24-27-34-38.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Tutulungan ka pero may kapalit at kung hindi pa magpapatulong, mahihirapan ka pero iyo rin naman itong makakaya. Saan ka? Saan pa nga ba kundi sa huli. Ito ang payo ng kapalaran mo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-5-16-25-31-39-42.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Kumukuha ng malakas na buwelo ang mga suwerte mo, kaya ‘wag mong akalain na hindi ka na sinuwerte dahil napakasuwerte ng taong bumubuwelo ang kanyang kapalaran. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-8-13-21-29-34-41.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Kumilos ang langit at nagkaroon ng kaayusan ang buhay mo. Iwasan mong maulit na ipinipilit mo ang gusto mo sa kabila ng ipinagpipilitan mo ring katwiran. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-14-22-27-31-37-40.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Isa-isang mawawala ang mga kontrabida sa buhay mo kung saan hindi na sila makikialam pa dahil makikita nilang wala namang saysay ang mga pagkontra nila. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-3-18-24-25-36-38.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Nakatutuwa ang iyong kapalaran. Inisip mong wala ka nang magagawa sa iyong mga suliranin, pero nang magpatuloy ang mga pangyayari, biglang natapos ang sakit ng ulo mo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-7-18-21-24-27-33.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Iba ang nagbayo, kumbaga, iba ang naghirap pero iba rin ang nakinabang. Ikaw ang nasa huli, ibig sabihin, malaki ang magiging pakinabang mo mula sa mahihirapan. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-19-27-30-31-38-42.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Malapit ka nang magtampo sa langit at nakita ng nasa itaas ang ganu’ng kalagayan, kaya mabilis na pinakilos ang iyong kapalaran at ang tampo mo ay mapapalitan ng pasasalamat. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-2-16-17-26-30-34.




Comments