top of page
SPECIAL - MISTER NI BEA NA SI VINCENT, ‘DI TINANGGAL SA PUREGOLD_IG _beaalonzo.jpeg

Horoscope | Disyembre 11, 2022 (Linggo)

BULGAR
Dec 11, 2022
2 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| Disyembre 11, 2022


Sa may kaarawan ngayong Disyembre 11, 2022 (Linggo): Gawin mo ang gusto mo. Huwag kang mag-aalinlangan kahit kailan dahil ito ang sikrerto ng iyong kapalaran na dapat mong malaman.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Kailangang matuto kang mahirapan dahil may babala na lalabis ang tiwala mo sa iyong sarili, kung saan madaling makuha ang bawat gusto mo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-16-19-23-28-33-39.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Hindi mo kailangan ang alalay. Hindi ka dapat masanay na palaging may umaagapay sa iyo. Mas maganda ang malaya at nagagawa ang gustong gawin nang mag-isa lang. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-18-20-21-24-26-34.


GEMINI (May 21-June 20) - Bakit inaakala mong mas malakas ang iyong mga karibal? Ang totoo, sa biglang tingin lang sila malakas. Gayundin, kapos sila sa talino. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-lilac. Tips sa lotto-18-24-26-35-38-40.


CANCER (June 21-July 22) - Nakalimutan mo ba na ang takot ay nasa isip lamang? Gawin mo ang gusto mo at mauulit na madaling mapasaiyo ang pinapangarap mo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-14-15-24-31-32-36.

LEO (July 23-Aug. 22) - Malamig ang panahon, pero hindi ka dapat manlamig sa pagsisikap mong matulungan ang mga umaasa sa iyo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-16-20-22-25-27-40.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Kumuha ka ng ideya mula sa mga nauna sa iyo. Hindi puwedeng magmalaki ka na parang alam mo na ang lahat. Kahit naman alam mo na, wala ka pa ring sapat na karanasan. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-17-21-28-30-39-42.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Huwag kang magtago sa masasayang aktibidad. Ang mga problema ay hindi iniiwasan. Harapin mo at makakaasa ka na ito ay iyong malulutas. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-14-18-21-23-38-41.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Kung ano ang kailangan, ‘yun lang ang iyong pag-ukulan. Hindi ka dapat matukso na maghangad ng mga bagay na hindi mo naman talaga pakikinabangan ngayon. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-15-24-25-39-40-42.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Kung saan ka madadalian, ‘yun ang iyong unahin. Ang mahirap na gawain ay puwedeng hindi mo muna gawin ngayon, kumbaga, puwede mo pa itong ipagpaliban. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-6-9-17-18-20-35.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Pinaghahandaan ang hinaharap at hindi hinihintay. Nagsasakripisyo sa kasalukuyan para sa magandang bukas. Huwag mong kalimutan ang bagay na ito, gayundin, ito ang iyong isabuhay. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-18-20-22-24-27-39.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Kahit wala kang gawin, lalayas sa iyo ang hindi magagandang kapalaran. Ang mga ito ay hindi naman talaga para sa iyo. Ipanatag mo ang iyong kalooban dahil ipinanganak ka upang suwertehin. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-13-14-25-27-30-31.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Huwag mong habulin ang umalis dahil sa totoo lang, kusa itong babalik. Anuman ang mangyari, ang para sa iyo ay para sa iyo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-17-18-25-27-30-34.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page