Horoscope | Disyembre 1, 2025 (Lunes)
- BULGAR

- 1 day ago
- 2 min read
ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | December 1, 2025

Sa may kaarawan ngayong Disyembre 1, 2025 (Lunes): Disyembre na at ngayon ang takdang araw para manguna ka. Huwag kang mag-alala, dahil kapalaran mo mismo ang kikilos upang ilagay ka sa unahan.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Hindi ka mauubusan ng mga pagkakataon upang mas umangat ang buhay mo. Kahit pa makaranas ka ng panandaliang pag-atras, ipanatag mo pa rin ang iyong loob. Masuwerteng kulay-burgundy. Tips sa lotto-9-11-17-20-23-37.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Dumikit ka sa masayahing tao para sumaya ka. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran sa ngayon. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-3-16-28-31-36-45.
GEMINI (May 21-June 20) - Nababago ang lagay ng panahon kapag may namumuong bagyo. Ganundin ang iyong karanasan, pero kasabay nito dadagsain ka ng suwerte at pagpapala. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-1-15-22-35-37-40.
CANCER (June 21-July 22) - Kumilos ka nang kumilos, dahil ang kuwento ng matanda at batang palaka ay nagsasabing ang huling kumilos ay mahimalang nakaligtas sa panganib. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-4-18-20-25-39-42.
LEO (July 23-Aug. 22) - Hindi maganda ang asa lang nang asa. Kahit sabihin pang hindi ka nauubusan ng pag-asa, sabayan mo pa rin ito ng pagkilos upang magkaroon ng katuparan. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-5-14-27-30-34-41.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Sukatin mo ang kakayahan ng iyong kaharap upang magkaroon ka ng kaalaman at hindi basta-basta mapaniwala. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-7-11-21-26-36-44.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Huwag mo nang hintayin pa ang kalamidad para lang makatulong sa iyong kapwa. Tandaan mo, mas pinagpapala ang matulungin na hindi na naghihintay kung kailan dapat tumulong. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-4-18-20-25-31-45.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Higit kailanman, ngayon ka dapat maging matatag at matibay para mapanatili mo ang magandang buhay. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-1-13-19-23-35-44.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Kung saan maluwag, doon ka lumakad. Sa ganitong paraan, mapapabilis ang iyong pag-asenso. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-5-12-16-24-36-40.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Matuto kang humingi ng tulong. Hindi naman masamang humingi ng tulong, basta piliin mo lang. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-4-17-28-34-39-41.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Magtiwala ka sa kapwa mo, pero mag-ingat ka rin. Ito ang paalala sa iyo ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-7-15-21-26-39-44.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Masaya ang mabuhay kapag madaming kaibigan, pero dapat ‘yung tunay na kaibigan. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-3-10-23-34-38-43.





Comments