top of page
Search
  • BULGAR

Horoscope | Disyembre 1, 2022 (Huwebes)

ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| Disyembre 1, 2022


Sa may kaarawan ngayong Disyembre 1, 2022 (Huwebes): Simple lang ang sikreto ng kapalaran mo na magbibigay sa iyo ng napakaraming suwerte. Ito ay nagsasabing, alalayan mo ang mga kapos-palad.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Muli, tanggapin mo nang maluwag sa loob ang mawawala sa iyo dahil sa mga mandaraya. Huwag kang mag-alala dahil ayon sa iyong kapalaran, mas maraming ipagkakaloob sa iyo ang langit kapag dinadaya ka. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-11-19-20-29-30-32.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Isa ang araw na ito sa mga araw na ikaw ay mapalad. Puwede mong gawin ang mga bagay na magpapaunlad sa iyong buhay. Ito ang masuwerteng balita para sa iyo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-18-26-27-38-40-42.

GEMINI (May 21-June 20) - Hindi mahalaga kung ano ka ngayon, ano ang pinaniniwalaan mo at kung nag-aalinlangan ka ba o hindi. Noon pa itinakda na magsisimula nang gumanda ang iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-4-16-20-21-27-38.

CANCER (June 21-July 22) - Magmadali ka at huwag mo nang pansinin ang mga kontrabida sa buhay mo. Sunggaban mo ang bawat oportunidad na darating sa iyong harapan. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-16-24-26-29-30-33.


LEO (July 23-Aug. 22) - Nakakatuwa ang buhay sa mundo. Kung sino ang namimintas, siya ang maraming kasiraan. Bakit mo iintindihin ang mga ito? Ituloy mo lang ang iyong diskarte, malapit na malapit ka nang yumaman at magtagumpay. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-2-7-21-27-28-35.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Muling mangyayari na sa mga sandali na ikaw ay masaya na, magdaratingan ang mga suwerte mo dahil gusto ng langit na mapuno ng saya ang buhay mo sa kasalukuyan. Masuwerteng kulay-orange. Tips sa lotto-13-18-24-27-36-39.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Hindi ka mauubusan ng mga suwerte dahil nakamasid sa iyo ang langit at hindi papayag na matuwa ang mga taong lihim na ang gusto ay mabigo ka at bumagsak ang iyong buhay. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-14-17-26-28-30-31.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Huwag kang hihinto kahit ano ang maranasan mo. Bibigyan ka ng garantiya ng kapalaran mo na mapasasaiyo ang gustong-gusto mo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-19-22-27-28-30-34.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Nagbabalita ang araw na ito na hindi lang ikaw ang bubuwenasin kundi ang malalapit sa buhay mo at ang matatalik mong kaibigan ay susuwertehin din sa araw na ito. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-11-24-25-29-32-41.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Nagliliwanag ang landas ng buhay na iyong tinatahak. Dahil dito, makikita na mismong langit ang nag-aalis ng mga sagabal at hadlang na nagpapahirap sa iyo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-19-21-28-31-37-41.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Magtiwala ka sa iyong sarili. Sa araw na ito, palalakasin ka ng langit para mapagtagumpayan mo ang mga pagsubok sa buhay na nasa iyong harapan. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-15-20-22-25-26-35.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Minsan, maganda rin ang manahimik sa kabila ng maraming naninira. Sa pananahimik, ang langit mismo ay kikilos para manahimik ang mga walang magawa kundi ang siraan ka. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-16-26-28-38-39-42.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page