Horoscope | Disyembre 06, 2020 (Linggo)
ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| December 06, 2020
Sa may kaarawan ngayong Disyembre 6, 2020 (Linggo): Malakas ang iyong damdamin at dahil malakas ang iyong pandama, madarama mo ang motibo ng iyong makakaharap at iiral ang kutob mo para sa mga nasa malayo.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Magpakita ka ngayon ng awa sa mga nasa ibaba. Dahil dito, sobrang matutuwa sa iyo ang langit at reregaluhan ka ng mga grasya na labis mong ikatutuwa. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-1-9-18-20-25-33.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Ngayon ang takdang araw para sa pagkakawang-gawa. Bawat pasalamat na ipagkakaloob sa iyo, tatabal na ang ibig sabihin, ikaw ay pagpapalain. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-3-10-18-21-24-28.
GEMINI (May 21-June 20) - Pag-aalinlangan ang mahigpit mong kalaban ngayon. Huwag na huwag kang papatalo sa pag-aalinlangan nang hindi mag-atrasan ang mga suwerteng nagdaratingan. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-19-20-29-30-35-38.
CANCER (June 21-July 22) - Masuwerte ka ngayon. Pabalik-balik lang naman ang kasaysayan. Ibig sabihin, nagbalik ang iyong masusuwerteng mga araw. Ibalik mo rin ang tiwala mo sa sarili at sa langit. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-14-24-27-34-39-41.
LEO (July 23-Aug. 22) - Mababa ang loob mo ngayon. Mas magandang umiwas ka sa mga paladaing at kilala mong walang ginawa kundi ang umasa lang sa iyo na ayaw namang magsikap. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-11-18-24-26-38-42.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Magpapabalik-balik sa iyo ang negatibong pananaw na para bang pilit kang pinaniniwala na rito sa mundo ay walang maganda na kahit ano. Magiging matibay ka. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-4-18-22-26-31-32.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Lahat ay may katapusan, kaya ang kalungkutan ay may katapusan. Ngumiti ka dahil pagkatapos ng lungkot, ligaya ang kasunod. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-5-11-15-17-32-38.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Bukas ang bintana ng iyong mga bagong oportunidad. Wala kang dapat gawin ngayon kundi sunggaban ang mga pagkakataong puwede kang umunlad. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-4-12-27-39-40-42.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Huwag mong hanapin ang wala. Bakit nanaisin mong mapasaiyo ang hindi naman pala para sa iyo? Magpasalamat ka dahil ang para sa iyo ay bagong kapalaran. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-6-18-24-25-36-40.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Taas-baba ang mga alon sa dagat. Ganundin ang iyong agos ng iyong kapalaran kung saan ikaw ay magtitiwala na sa pagtaas at pagbaba, mas gaganda ang iyong buhay. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-7-17-22-27-34-37. AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Huwag kang tumingin sa kaliwa at huwag din sa kanan. Ang tama ay matuwid na daan ang nasa harapan. Ang ibang daan ay daan ng tukso na ikaw ay maliligaw. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-11-18-21-27-39-42. PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Bakit mo babaguhin ang unang pasya mo? Natandaan mo ba nang ikaw ay pabagu-bago, mas pumangit ang nangyari sa iyo? Gaganda ang buhay mo kapag matatag ang desisyon mo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-20-23-27-32-36-41.




Comments