top of page
Search
BULGAR

Horoscope | December 27, 2023 (Miyerkules)

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | Disyembre 27, 2023

Sa may kaarawan ngayong Disyembre 27, 2023 (Miyerkules):  Malalaking suwerte ang nakalaan sa iyo kaya hindi masasayang ang iyong mga pagsisikap. Ito ang kahulugan ng araw ng iyong pagsilang.

 


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Huwag na huwag mong katakutan ang mga hamon ng iyong kapalaran. Harapin mo ito nang mukhaan at makikita mo, ang malalaking tagumpay ay maitatala sa iyong aklat ng kasaysayan. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-8-11-18-20-24-34.

 

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Pagiging matatag sa paninindigan ang susi ng napakagandang kapalaran mo. Ang anumang pag-aalinlagan ay hindi magandang maisabuhay ngayon. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-6-10-12-28-34-36.

 

GEMINI (May 21-June 20) - Lakas ng loob ang magdadala sa iyo sa malaking tagumpay. Sasabihin ng iba, suwerte ka lang naman. Ito ay may katotohanan, talagang masuwerte ka, pero dahil sa lakas ng loob mo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-9-10-16-20-24-33.

 

CANCER (June 21-July 22) - Panatilihin mo ang kabutihang-loob mo sa iyong kapwa dahil ito ang dahilan kung bakit ang mga biyaya ay patuloy na umaagos sa buhay mo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-14-19-29-30-33-45.

 

LEO (July 23-Aug. 22) - Matapang ka. Nakatutuwa ang kapalaran mo dahil takot sa iyo ang malalaking hamon ng iyong kapalaran dahil ikaw ang mananalo laban sa mga ito. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-5-16-20-23-30-42.

 

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Talino at talas ng isipan ang magdadala sa iyo sa maraming tagumpay. Ang pagiging mahiyain naman ang nagsasabing, maaantala ang pagdapo sa iyo ng magagandang kapalaran. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-14-19-20-21-28-39.

 

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Magpapatuloy ang pagdating sa iyo ng mga suwerte. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-7-11-15-17-25-38.

 

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Kung ano ang gusto mong maging sa buhay mo, ‘yun ay mangyayari dahil sa kakaibang tigas ng iyong loob. Ang katangian mong ito rin ang kinatatakutan ng iyong mga kaaway. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-19-20-25-28-30-31.

 

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Huwag na huwag kang kukurap, ginagarantiyahan ng iyong kapalaran na ang iyong malalaking ambisyon ay magkakaroon ng katuparan. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-19-20-26-38-45-46.

 

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Kahit ano’ng mangyari, huwag kang bibitiw sa iyong mga pangarap. Langit mismo ang palaging aalalay sa iyo, Siya rin ang mag-aalis ng mga hadlang sa landas ng iyong buhay. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-5-11-14-25-34-42.

 

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Patuloy na magiging masarap ang buhay mo. Ito ang mensahe sa iyo ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-6-10-15-17-20-22.

 

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Kung ano ang gusto mo, tutukan mo. Nasa pagtutok ang sikreto ng iyong magagandang kapalaran. Determinasyon ang ibig sabihin kaya dapat may determinasyon ka sa buhay mo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-19-20-27-34-38-41.

 

0 comments

Recent Posts

See All

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page