top of page
Isko Moreno Domagoso - FB.jpg

Horoscope | December 15, 2023 (Biyernes)

Writer: BULGAR
BULGAR
Dec 15, 2023
2 min read

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | Disyembre 15, 2023

Sa may kaarawan ngayong Disyembre 15, 2023 (Biyernes): Huwag kang manghinayang kapag laging maganda at bago ang suot mo. Ang sikreto ng iyong kapalaran ay nagsasabing dito ka susuwertehin.

 


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Nagbabalikan ang mga tukso sa buhay mo. Ang ilan sa kanila ay tinalo mo na, pero sa pagkakataong ito, mas malakas sila kaysa dati. Dapat na maging matibay ka. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-3-11-16-23-28-43.

 

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Hinihintay na ng langit ang iyong kahilingan at para mapabilis ang pagkakaloob sa iyo, huwag mo nang palamutian pa ng kung anu-ano'ng magagandang salita ang sasabihin mong kahilingan. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-6-17-25-32-37-40.

 

GEMINI (May 21-June 20) - Sasabayan ka sa pangarap mo ng isang magsisilbing inspirasyon mo. Kailangang mapasaiyo muna ang iyong pangarap bago ka magpasya na maging kayo na talaga. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-5-14-19-23-26-32.

 

CANCER (June 21-July 22) - Iwasan mong umangal kahit sa tingin mo ay dehado ka dahil nakamasid ang mga mata ng langit na anumang oras ay maaari kang suwertehin. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-7-11-13-29-36-40.

 

LEO (July 23-Aug. 22) - Ang aayaw ay hayaan mo. Kapag nagbalik, hayaan mo pa rin. Ito ang takbo ng iyong kapalaran—ang umaalis ay bumabalik, kaya huwag ka nang mabigla kapag may nawala. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-1-4-19-25-28-34.

 

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Pumayag ka kahit medyo agrabiyado ka. Darating din ang pagkakataon na ikaw naman ang mang-aagrabiyado sa kapwa mo. Kaya dapat kang makampante at 'wag maging pasaway. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-14-17-23-32-35-44.

 

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Hindi dahil nakalimot, hindi na muling matatandaan ang nangyari na. Ang taong lumimot sa iyo noon ay magbabalik ngayon dahil muling nanariwa sa kanya ang inyong pinagsamahan. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-7-16-23-28-39-45.

 

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Muli kang tatapang. Ang mabilis na pag-asenso ay mapasasaiyo at hindi ka muling kakapusin sa iyong pangangailangan. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-6-12-27-33-40-44.

 

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Lumalaban ka ngayon para sa kinabukasan. Wala kang karapatang umayaw dahil ang iyong hirap at pagsisikap ay para sa iyong hinaharap. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-lilac. Tips sa lotto-11-18-21-24-38-43.

 

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Huwag mong masyadong pahirapan ang iyong sarili. Hindi ngayon ang panahon ng sobrang pagsisikap. Ang kailangan mo ngayon ay maglibang habang ikaw ay naghahanapbuhay. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-4-8-17-26-35-40.

 

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Huwag mo gaanong intindihin ang hirap ng buhay ngayon. Lagi rin namang dumadalaw sa iyo ang mga suwerte. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-1-13-16-25-29-41.

 

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Kumilos ka na parang hawak-hawak mo na ang gusto mo. Sabayan mo rin ito ng pasasalamat sa nasa itaas. Mararanasan mo ang masayang hiwaga ng nabubuhay sa positibong pananaw. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-2-17-22-27-34-45.

 

 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page