top of page
Gary V. - IG.jpg

Horoscope | December 14, 2023 (Huwebes)

Writer: BULGAR
BULGAR
Dec 14, 2023
2 min read

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | Disyembre 14, 2023

Sa may kaarawan ngayong Disyembre 14, 2023 (Huwebes): Magnegosyo ka dahil dito ka uunlad. Mamamasukan ka, pero aalis at magpapalipat-lipat ka lang dahil ang misyon mo sa mundo ay magnegosyo.

 


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Bibilis ang kilos at pag-unlad ng buhay mo. Kapag bumagal, babagal din ang takbo ng iyong buhay. Mas magandang maging mabilis ka. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-1-3-12-18-21-27.

 

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Dahan-dahan lang sa pagsasalita, hindi lahat ng kaharap mo ay tunay na kaibigan dahil mayroong naghihintay lang na magkamali ka. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-2-17-20-29-36-41.

 

GEMINI (May 21-June 20) – Paganda nang paganda ang takbo ng iyong buhay. Ito ang mensahe sa iyo ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-silver. Tips sa lotto-9-14-23-27-33-40.

 

CANCER (June 21-July 22) - Susubukan ka nilang paniwalain sa mga bagay na hindi naman totoo gamit ang mabilis na pagpapaliwanag. Layuan mo agad ang iyong kausap kapag hindi ka makasingit. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-11-20-29-31-34-43.

 

LEO (July 23-Aug. 22) - Mabilis uminit ang ulo mo ngayon. Puwede itong pagmulan ng pagkagalit sa pagitan mo at ng mga minamahal mo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-7-19-25-30-34-44.

 

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Huwag kang mag-alinlangan kapag gagawin mo ang isang bagay para sa ikauunlad ng iyong buhay. Ibig sabihin, gawin mo ito agad. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-5-12-18-23-28-32.

 

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Mapagbiro talaga ang kapalaran. Minsan ang tao, kahit na may mahal na, nakukuha pang magloko. Ingatan mo na ‘di  mapabilang sa mga ito. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-6-9-15-19-24-29.

 

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Umiiral na naman ang pag-iisip mo nang may kalaliman. Pero sa pagkakataong ito, mukhang ito ay para sa ikakaganda ng buhay mo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-2-13-24-28-33-45.

 

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Hindi totoong napabibilis ang gawain kapag marami ang gumagawa. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-6-18-22-32-38-40.

 

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Pilit mong lagyan ng ngiti ang iyong mga labi dahil ang kondisyon bago mahulog sa iyo ang ilang suwerte ay ang makita kang mukhang masaya. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-7-11-23-29-31-37.

 

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Hindi lang isang suwerte ang mapasasaiyo dahil nakapila at parang paparada ang mga suwerteng noon pa ay nakalaan na para sa iyo. Huwag mong kalimutan ang mga taong tumulong sa iyo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-13-19-23-28-34-40.

 

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Sasaya ka kung sa malayo ka pupunta o mamamasyal. Kung hindi mo ito magagawa, simple kang makipag-ugnayan sa malayo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-7-15-25-34-37-41.

 

 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page