top of page
Jericho Rosales Official - IG.jpg

Horoscope | December 05, 2021 (Linggo)

Writer: BULGAR
BULGAR
Dec 5, 2021
2 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| December 05, 2021



Sa may kaarawan ngayong Disyembre 5, 2021 (Linggo): Huwag kang mag-alinlangan, ito ang utos ng iyong kapalaran kaya ang mas maganda ay maging mabilis ka sa lahat ng bagay.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Hindi ka puwedeng talunin ng lungkot dahil ang mga suwerte mo ay magsisidapo sa iyo kapag ikaw ay natagpuang masaya at hindi mo iniisip ang mga problemang nasa iyong harapan. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-8-19-20-23-38-41.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Kumilos ka nang kumilos ayon sa plano mo. Huwag kang mag-alala dahil ang mga pangyayari na puwedeng makaabala sa iyo ay aalisin ng langit. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-3-10-14-15-24-36.


GEMINI (May 21-June 20) - Kahit wala kang ginagawa at anuman ang iyong paniniwala, ang mga suwerte ay darating sa iyo na parang nagmamadali at hindi na maaawat. Ito ang mensahe para sa iyo ngayon. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-17-25-28-33-34-46.


CANCER (June 21-July 22) - Nabubuwal ang punong-kahoy na hindi nakikiayon sa ihip ng malakas na hangin. Sakyan mo lang ang mga kaganapan sa iyong harapan. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-3-12-13-22-39-40.

LEO (July 23-Aug. 22) - Unahin mo ang tungkol sa kabuhayan at huwag mo munang tutukan ang ibang bagay. Ngayon at ang darating pang mga araw ay para sa pagpaparami ng pakinabang. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-7-13-14-28-33-37.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Bawasan mo ang iyong pag-aananalisa sa mga bagay-bagay at dagdagan mo ang kilos sa mga bagay na gusto mong mabilis matapos. Ito ang sikreto ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-silver. Tips sa lotto-11-18-20-21-28-32.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Hindi na mahalaga kung ano ang tawag mo sa mga nangyayari sa iyong buhay. Ang importante ay malaman mo na ang mga ito ay kailangang mangyari para sa iyong ikabubuti. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-14-15-20-21-32-39.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Kailangang dagdagan ang kapos at obligadong bawasan ang mga kalabisan. Suriin mo ang iyong sarili nang ikaw mismo ang magsabi kung paano aayusin ang iyong buhay. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-19-24-25-38-43-45.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Hamunin mo ang iyong sarili nang sa gayun ay ibigay mo ang buong makakaya mo. Ito ang sikreto ng tagumpay ng mga taong natagpuan ang ganap na kaligayahan sa buhay. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-4-7-14-23-33-39.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Huwag kang maniwala sa mga nagsasabing mahihirapan kang gawin ang mga plano mo sa buhay. Kapag ang tao ay totoong desidido, ang lahat ay magagawa niya nang madali lang. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-4-11-17-20-27-41.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Gawin mong mag-isa ang gusto mong gawin. Kapag may kasama o alalay ka, hindi mo magagawa ang gusto mo dahil magiging sagabal lang ang mga ito sa mga ikikilos mo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-5-12-28-31-32-34.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Dumikit ka sa mga taong mabilis kumilos at bibilis din ang kilos mo. Kapag ang nadikitan mo ay magpag-alinlangan, hindi aabante ang iyong buhay. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-9-14-16-24-27-33.



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page