Horoscope | August 5, 2022 (Biyernes)
ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| Agosto 5, 2022
Sa may kaarawan ngayong Agosto 5, 2022 (Biyernes): Malakas na tiwala sa sarili ang susi ng iyong tagumpay. Ang katangian mong ito ay numero-unong hinahangaan sa iyo.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Harapin mo ang buhay nang may positibong pananaw. Dahil sa pagiging positibo, ang mundo ay nagbabago, nagkakakulay at gumaganda ang lahat. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-3-11-17-25-30-33.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Palipat-lipat ang paru-paro sa mga bulaklak. Ngayon, ang malalaking suwerte na nasa iba ay malilipat sa iyo dahil hindi nila pinahalagahan ang mga ito. Ito ang mensahe ng kapalaran mo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-9-14-18-20-24-34.
GEMINI (May 21-June 20) - Harapin mo ang dapat harapin. Ito ang susi upang maglaho ang pag-aalala. Huwag mong takasan ang iyong kinakatakutan. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-3-18-20-28-35-37.
CANCER (June 21-July 22) - Gaganda ang araw mo dahil sa masasayang makakasama. Samantalahin mo ang magandang araw na ito, ang mga makakatulong sa iyo ay lalo mong dikitan. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-11-18-21-29-31-39.
LEO (July 23-Aug. 22) - Hindi mahirap ang gumawa ng desisyon, kumbaga, simple lang. Ilagay mo ang iyong sarili sa katayuan ng iba at makakapagpasya ka kung ano ang tama at dapat gawin. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-2-17-25-29-30-42.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Kung ano ang nasa harapan mo, ‘yun mismo ang sagot ng langit sa iyong kahilingan. Tanggapin mo ang inaalok sa iyo na pagkakakitaan. Ito ang mensahe ng kapalaran mo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-19-22-23-31-32-35.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Makisakay ka sa takbo ng pangyayari. Ang isda na sumasalungat sa agos ay nasusugatan. Ang saya ay umaayon sa agos ng buhay. Ito ang paalala ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-1-16-23-39-40-43.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Hayaan mong husgahan ka ng mga walang alam sa buhay mo. Sa huli, sila ang huhusgahan ng langit at makakatanggap ng parusa sa utos na huwag husgahan ang kapwa. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-11-19-20-26-39-41.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Dahan-dahan lang ang proseso kung paano maghihilom ang sugat sa puso. Habang naghihintay ka ng kagalingan, huwag mong pabayaan ang pangkabuhayan. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-3-4-15-28-30-41.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Pagpapalitan ng opinyon ang susi sa pagdadagdag ng kaalaman. Pakinggan mong mabuti ang bawat punto-de-vista ng iyong kaharap. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-orange. Tips sa lotto-11-18-21-25-34-42.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Nagpasya na ang langit at ang masuwerteng balita para sa iyo ay ibibigay ang mga bunga ng paghihirapan mo palang. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-18-20-25-30-31-36.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Hayaan mong gawin ng mga tao ang gusto nila. Hindi ka maaapektuhan kapag mali ang ginawa nila, pero kung mabuti, ikaw ang makikinabang nang husto. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-9-10-15-18-27-39.




Comments