top of page
Search
  • BULGAR

Horoscope | August 4, 2022 (Huwebes)

ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| Agosto 4, 2022


Sa may kaarawan ngayong Agosto 4, 2022 (Huwebes): Huwag mong pansinin ang pakiramdam mo na walang nakakaunawa sa iyo, bagkus, ang tutukan mo ay kung paano pauunlarin ang buhay mo.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Kumuha ka ng makakatulong para sa pagpapalago ng iyong kabuhayan. Hindi naman ibig sabihin ay magkasosyo na kayo kundi siya ay katuwang mo lamang. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-11-19-24-25-38-34.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Ituloy mo lang ang gusto mong gawin. Bakit ka magpapaapekto sa mga sinasabi ng iba na at kumokontra sa pagsisikap mo na mapabuti ang iyong buhay? Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-6-15-17-22-36-43.

GEMINI (May 21-June 20) - Hindi naaawat ang kamay ng orasan, kaya hindi ka dapat labis na nagpapagod. Kailangan mo rin ang kaunting pahinga. Gawin mo na ngayon. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-10-18-29-31-32-38.

CANCER (June 21-July 22) - Huwag mong guluhin ang iyong isipan sa kakatanong kung bakit nangyari ang naranasan mo. Ang tapos na ay tapos na. Harapin mo ang iyong mga bagong umaga. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-16-20-23-39-40-45.

LEO (July 23-Aug. 22) - Lalong tumatahol ang aso kapag siya ay pinansin. Huwag mong bigyang-pansin ang naiinggit sa iyo. Salita lang naman ito nang salita kaya hindi dapat patulan. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-1-14-24-30-32-44.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Walang nanalo sa debate, bagkus, nauubos lang ang mahahalagang oras. Sa pagkilos, nakikinabang ang tao dahil umaabante ang kanyang buhay. Kumilos ka, ito ang mas mabuti para sa iyo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-6-15-16-27-41-47.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Kahit mawalan ka ngayon, ngumiti ka lang. Dahil ang isa sa kondisyon para ikaw ay buwenasin ay dayain at paglalangan ka ng iyong kapwa. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-18-20-21-27-30-35.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Muling nagbalik ang araw kung kailan mararanasan mo ang parada ng magagandang oportunidad sa iyong harapan. Anuman ang mapili mo, ikaw ay aasenso. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-7-11-25-26-30-39.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Kumilos ka ayon sa gusto mo. Hindi maganda kung kikilos ka base sa kagustuhan ng iba. Hindi ka alipin at tagasunod sa gusto ng ibang tao. Masuwerteng kulay-burgundy. Tips sa lotto-12-29-30-38-40-41.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Muling nagbalik ang araw na nagkukubli sa hindi magagandang pangyayari ang naglalakihang suwerte mo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-14-28-38-42-45-46.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Iyung-iyo ang araw na ito. Hinihintay na ng langit ang kahilingan mo. Pagbibigyan ka kahit pa may pagkaimposible ang iyong hihilingin. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-19-22-24-26-34-41.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Magkunwari ka na ikaw ay mahina nang sa gayun ay maliitin ka ng iyong mga kakumpitensya at karibal. Sa ganitong paraan, hindi nila mapupuna na malaki na ang agwat mo sa kanila. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-7-10-13-16-23-37.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page