- BULGAR
Horoscope | August 31, 2022 (Miyerkules)
ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| Agosto 31, 2022
Sa may kaarawan ngayong Agosto 31, 2022 (Miyerkules): Makipaglaban ka sa mga hamon ng kapalaran na may kaugnayan sa iyong mga pangarap. May mensahe ang langit at ito ay nagsasabing, mananalo ka at ito ay tiyak.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Hindi ka dapat huminto sa iyong pangarap dahil lang sa mga pagsubok na iyong kinakaharap. Alalahanin mo na malakas ka at hindi ka mahina. Makipaglaban ka. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-16-20-21-24-28-31.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Hindi masama ang umatras. Ang pag-atras ay kailangan para makapag-isip ng mga bagong diskarte. Maneuver ang tawag dito sa larong chess. Magplano ka at saka ka muling sumugod. Ito ang mensahe ng kapalaran mo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-11-15-24-30-35-42.
GEMINI (May 21-June 20) - Habang sinisikap mong matupad ang iyong mga pangarap, may mga handang umalalay sa iyo, lalo na sa panahon ngayon na parang hindi madali para sa iyo ang lahat. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-9-19-21-25-31-34.
CANCER (June 21-July 22) - Paghiwalayin mo ang iyong emosyon at pangarap dahil kadalasan, ang emosyon ay sagabal sa pag-unlad. Konsentrasyon lang ang iyong kailangan, kaya tutukan mo ang iyong mga pangarap. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-2-14-22-23-39-41.
LEO (July 23-Aug. 22) - Dapat kalmado ka lang sa harap ng maraming pagkontra sa mga gusto mong mangyari. Sa huli, makikita mong sa pagiging kalmado, ang mga pangyayari ay maayos na tumatakbo at ang lahat ay unti-unting papabor sa iyo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-2-7-25-27-35-44.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Nakakatuwa ang buhay sa mundo, lalo na sa larangan ng pagmamahalan. Ang umalis ay muling nagbabalik, habang ang binalikan ay malabong makipagbalikan. Ito ang mangyayari sa iyo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-8-18-19-28-33-35.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Hindi hadlang ang makakapal na ulap para matago at tuluyang mawala ang mga bituin. Sa buhay mo ay ganundin, kahit maraming problema, patuloy ang pagdating ng magagandang oportunidad at kakaibang suwerte. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-12-27-35-38-40-41.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Huwag mong pakialaman ang problema ng iba dahil baka mahawa ka at ikaw ay magkaproblema rin. Mas maganda na asikasuhin mo ang pagpupursigi na mapaunlad ang iyong buhay. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-10-22-25-28-35-38.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Minsan, kusang naaayos ang mga gusot kahit wala kang gawin. Dahil sa totoo lang, wala namang tao na ang gusto ay magulong buhay. Hayaan mo lang na kusang tumakbo ang mga pangyayari. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-16-21-24-29-30-34.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Harapin mo nang mukhaan ang iyong mga problema. Makikita mo na parang mga kaaway sila na nabahag ang mga bunot. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-orange. Tips sa lotto-19-20-26-31-34-36.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Hindi ka mabibigatan, ang totoo nga, ikaw ay magagaanan pa sa mga pangyayaring susukuan ng iba dahil sila ay nahihirapan. Ito ang mensahe ng kapalaran mo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-5-11-18-20-22-24.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Higit kailanman, ngayon mo kailangan ang maging masinop. Subukan mong magsinop ng kabuhayan at makikita mo na ang pagiging masinop ay susi ng maunlad at masaganang buhay. Masuwerteng kulay-lilac. Tips sa lotto-9-12-27-39-40-44.