Horoscope | August 30, 2024 (Biyernes)
- BULGAR

- Aug 30, 2024
- 2 min read
ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | August 30, 2024

Sa may kaarawan ngayong Agosto 30, 2024 (Biyernes): Magpapatuloy ang hamon ng iyong kapalaran. Ang masuwerteng balita ay aani ka ng tagumpay at magandang kapalaran.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Isang banat pa para maisakatuparan mo na ang iyong ambisyon. Ang payo sa iyo, dagdagan mo pa ang ambisyon mo, at hindi ka dapat makuntento sa kasalukuyan mong kalagayan ngayon. Masuwerteng kulay-lilac. Tips sa lotto-4-11-19-24-39-42.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Muling hahabol sa iyo ang maganda mong kapalaran. Manatili kang positibo para madagdagan pa ang pagbabago sa buhay mo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-10-14-21-28-30-33.
GEMINI (May 21-June 20) - Unahin mo ang gusto mo. Hindi maganda na magbabago ka ng prayoridad dahil lang sa ibang tao. Sa bandang huli, sila lang ang liligaya. Ito ang paalala sa iyo ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-4-6-11-23-24-32.
CANCER (June 21-July 22) - Hindi mo kailangan ang maraming bagay. Mas pahalagahan mo ngayon ang maganda n’yong relasyon ng mga mahal mo sa buhay. Ito ang susi ng kaligayahan para sa iyo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-2-17-27-30-37-40.
LEO (July 23-Aug. 22) - Makakakuha ka ng magagandang regalo, pero sa unang mga araw lang. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-7-18-26-31-37-45.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Hindi lang mga paputok ang sumasabog. Ingatan mo ring magalit ka. Kahit hirap ka na unawain ang ibang tao, sikapin mo pa rin silang unawain. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-5-15-24-27-34-41.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Kung ano ang makakaganda sa buhay mo, iyon ang gawin mo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-9-10-14-25-32-45.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Huwag mong pag-aksayahan ng panahon ang mga labas-masok na negatibong pananaw sa iyong isipan. Ang mga ito ay nagtatangka lang na pigilan ang iyong pag-asenso. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-5-11-16-20-34-38.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Mahirap man paniwalaan, mas magandang pinaghihirapan ang mga bagay na gusto mo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-17-20-27-30-33-45.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Kung saan ka sasaya, roon ka! Hindi maganda para sa iyo ang napakahabang pagsasakripisyo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-4-18-21-33-37-42.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Makibahagi ka sa mga aktibidad na magbibigay ng inspirasyon sa iba. Isa pa, marami kang katangian na maaaring makapagbigay ng kakaibang sigla at lakas sa mga mahihina. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-16-24-26-36-39-41.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Humihina ang malakas, habang ang mahina naman ay lumalakas. Mahina ka ngayon, kaya naman humanda sila dahil papalakas ka nang papalakas ngayon. Malilipat sa iyo ang mga suwerte at tilamsik ng magandang kapalaran. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-2-11-18-27-29-31.






Comments