Horoscope | August 29, 2024 (Huwebes)
- BULGAR
- Aug 29, 2024
- 2 min read
ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | August 29, 2024

Sa may kaarawan ngayong Agosto 29, 2024 (Huwebes): Yayaman ka sa pamamagitan ng negosyo, dahil taglay mo ang katangian ng isang negosyanteng may kakaibang galing at husay na ibenta ang mga paninda.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Ngayon mo ipatupad ang mga iniisip mong magandang pormula para mas mabilis kang umasenso. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-6-10-27-33-41-44.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Mahilig kang makipagkuwentuhan. Marami kang makukuhang magagandang ideya na kapag ginamit mo, tiyak na uunlad ang buhay mo. Masuwerteng kulay-burgundy. Tips sa lotto-2-9-14-17-25-34.
GEMINI (May 21-June 20) - Mismong sarili mo ang magtutulak sa iyo para gawin ang mga bagay na hindi pinaniniwalaan ng mga taong malalapit sa iyo. Magugulat sila dahil mare-realize nilang tama ka at mali sila. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-7-19-28-34-39-42.
CANCER (June 21-July 22) - Mapapatunayan mo na hindi naman pala gaanong kailangan ang sobrang kasipagan upang makuha ang iyong gusto sa buhay, dahil ang langit mismo ang gagawa ng paraan para sa iyo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-11-20-23-27-39-42.
LEO (July 23-Aug. 22) - Panoorin mo ang mga tao, para makita mo kung sino sa kanila ang kilos nang kilos. Tularan mo sila upang maabot mo ang iyong mga pangarap. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-7-19-22-28-31-35.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Magmumula sa iyo ang sikreto upang mabilis kang yumaman, at marami ang makikinabang sa pakikinig sa mga kuwento mo. Ikaw ang kailangan nila ngayon. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-8-11-16-26-37-45.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Nakakatuwa ang kapalaran mo. Sa pamamagitan ng mga nakakaaliw na mga kilos, makukuha mo na ang iyong gusto kahit hindi ka gaanong magsalita. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-6-12-18-28-39-42.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Madalas na nahuhusgahan ang mga taong sobrang daming kabuhayan. Huwag mo silang intindihin, bagkus mas sikapin mo pang dagdagan ang kaban ng iyong yaman. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-9-12-24-31-33-36.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Okey lang na tumulong ka. Pero, dapat kang mag-ingat, dahil kapag ikaw na ang nangailangan, walang ibang tutulong sa iyo kundi ang sarili mo. Matuto kang magtipid at magsinop ng mga gamit o bagay. Ito ang paalala sa iyo ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-13-20-25-29-38-40.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Lalapit sa iyo ngayon ang taong kinaiinisan mo. Buksan ang iyong puso, at bigyan mo pa rin siya ng isa pang pagkakataon, dahil naging bahagi rin naman siya ng iyong mga karanasan. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-22-26-28-30-37-40.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Magugustuhan mo ngayon ang mabibilis na musika. Kakaibang sigla ang mapapasaiyo na parang bang walang mabigat na problema na hindi mo kakayanin. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-1-18-25-31-35-44.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Kakaibang payo ang para sa iyo, huwag kang masyadong seryoso. Kahit abala ka, isinggit mo pa rin ang pagsasaya sa pamamagitan ng pakikipagkuwentuhan, biruan at tawanan. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-9-13-15-27-33-36.
Comments