top of page
WINNER - BEAUTY QUEEN GF NI SANTINO, NAPAGKAMALANG TRANSGENDER-IG _ashleysubijano.jpg

Horoscope | August 27, 2024 (Martes)

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 27, 2024
  • 2 min read

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | August 27, 2024



Horoscope

Sa may kaarawan ngayong Agosto 27, 2024 (Martes): Para sa iyo ang panalo. Kailangan mong malaman na ang panalo ay nakukuha lang sa pakikipaglaban. Kaya lumaban ka sa hamon ng kapalaran.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Iyung-iyo ang araw na ito at ang ilang araw pang darating. Puwede mo nang simulan ang mga proyektong hindi mo pa nagagawa. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-4-19-22-28-39-44.

 

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Huwag mong pansinin ang mga madramang nilalang. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-11-17-20-25-26-34.


GEMINI (May 21-June 20) - Hindi para sa iyo ang mga bagay na ‘di mo makuha. Ito ang paalala ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-18-23-27-30-33-41.


CANCER (June 21-July 22) - Dito sa mundo, nakakapagtaka na may mga taong nagtatagumpay dahil sa simple nilang ginagawa. Tularan mo sila para magtagumpay ka. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-5-16-19-22-25-31.


LEO (July 23-Aug. 22) - Lalakas ka, habang hihina naman ang mga kalaban mo. Ngayon na ang pagkakataon para maiwanan sila. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-4-11-14-20-24-33.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Kung ano ang matuwid at tama, ‘yun ang piliin mo. Kahit pa sabihin ng iba na hindi nila nakikita ang matuwid at tama. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-6-18-24-26-34-45.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Huwag kang magpasya. Ipaubaya mo sa langit ang mga bagay na hindi mo kayang pagpasyahan. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-9-10-15-24-31-35.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Dadagdagan ng langit ang lakas ng loob mo para mas lalong gumanda ang takbo ng iyong buhay. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-5-11-14-26-34-41.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Makisakay ka sa kagustuhan ng nakakarami. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-16-20-21-26-38-40.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Isang hindi nakikitang sinag mula sa bituin na ang pangalan ay “masaganang buhay at ani” ang tatama sa iyo ngayon. Magbabago ang buhay mo at magkakaroon ng kasaganahan. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-6-18-20-25-31-32.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Sayawan mo ang problema. Ang nakakatuwa at masayang payo, kapag nagawa mo ito, magsisidapo sa iyo ang mga suwerteng nasa paligid mo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-15-19-20-21-25-33.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Kalma ka lang. Ang magagandang kapalaran ay ipinagkakaloob sa mga taong kalmado sa harap ng masasalimuot na pangyayari sa kanilang buhay. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-13-17-20-28-30-31.



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page