top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Horoscope | August 27, 2022 (Sabado)

BULGAR
Aug 27, 2022
2 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| Agosto 27, 2022


Sa may kaarawan ngayong Agosto 27, 2022 (Sabado): Ginagabayan ka ni Marte, siya ay isang astrological planet na nasa kapalaran mo. Masayang ibinabalita sa iyo na ang panalo sa mga hamon ng kapalaran ay regalo sa iyo ni Marte.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Iyung-iyo ang araw na ito. Noon pa nagpasya ang langit na ngayon at sa mga araw na darating, ang magagandang kapalaran ay dadagsa sa buhay mo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-11-19-20-26-36-38.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Yuyuko ang mga karibal mo kapag nagpakita ka ng tapang. Alam nila na sila ay mahina sa araw na ito kaya iiwasan nila ang mahigpit na pakikipagpalaban sa iyo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-10-23-25-30-31-32.


GEMINI (May 21-June 20) - Kakaibang sigla ang madarama mo, ito ay hiwaga ng kapalaran na kaya ka sisigla ay lihim kang inuutusan ng langit na sugurin, abutin at puntahan ang iyong malalaking pangarap. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-19-25-26-35-37-42.

CANCER (June 21-July 22) - Ituloy mo lang ang iyong mga plano. Huwag kang magpaawat sa mga kontrabida sa buhay mo, hindi naman nila alam na handang-handa ka dahil sa maayos mong pagpaplano. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-3-12-23-26-34-41.


LEO (July 23-Aug. 22) - Malakas ka ngayon. Ang panalo ay para lang sa malalakas at ang pagkatalo ay para sa mahihina. Muli, malakas ka ngayon at ang panalo ay para sa iyo. Ito ang mensahe ng kapalaran mo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-18-20-24-26-29-39.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Bawat sugod, dapat bukas ang isip mo. Ito ang sikreto nang makaiwas ka sa hindi inaasahang kabiguan. Muli, dapat bukas ang isip mo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-5-12-26-28-38-40.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Hihinto ang pag-ikot ng iyong mundo dahil sa isang magbibigay sa iyo ng kalituhan kung babaguhin mo ba ang mga unang pangarap mo. Ito ang babala ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-13-17-21-25-27-31.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Bigla kang sasaya dahil makikita mo na ang mga pangyayari ay tila nakikiisa sa mga plano mo. Sa nakaraang araw, parang hirap na hirap ka na simulan ang mga planong ito. Masuwerteng kulay-orange. Tips sa lotto-18-21-25-28-37-41.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Hawakan mo nang mahigpit ang pinaninindigan mo. May magtatangkang sumira sa diskarte mo sa pamamamagitan ng tila magagandang ideya, pero sa totoo lang ay mali ang mga ito. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-2-21-23-38-40-42.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Piliin mo ang madadalian ka. Ito ang sikreto ng kapalaran na hindi ka kailangang mamuhunan ng hirap para lang makuha ang gustong-gusto mong mapasaiyo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-7-15-20-24-27-40.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Lumabas ka isang sitwasyon na nahihirapan kang magdesisyon. Mas maganda na manahimik ka muna at lumayo sa namimiliit na ikaw ay magpasya ngayon. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-11-13-27-29-30-33.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Ito ang araw na kapag nagkaroon ka ng kahit kaunting lakas ng loob, makukuha mo ang gusto mo. Hindi naman mahirap sundin ang nasabing payo dahil muli, kahit kaunting lakas ng loob lang. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-6-14-23-38-39-42.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page