Horoscope | August 26, 2022 (Biyernes)
ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| Agosto 26, 2022
Sa may kaarawan ngayong Agosto 26, 2022 (Biyernes): Suwerte ang hatid mo sa sinumang mapalapit sa iyo, lalo na sa pagbibigay ng suwerte sa mga nagnenegosyo. Hindi man nila aminin nang harapan, ito ang katotohanan.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Bubuwenasin ka kapag nakipagkuwentuhan ka sa isang kaibigan na matagal mo nang hindi nakakaugnayan. Gawin mo at malalaman mong may suwerte pala sa mga kuwento niya. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-2-19-20-25-39-41.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Magsalita ka nang marahan, iwasan mo ang pabigla-biglang pagsasalita. Sa ganitong paraan, makikita mo na unti-unting gaganda ang nangyayari ngayon sa buhay mo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-11-16-17-25-27-34.
GEMINI (May 21-June 20) - Magsuot ka ng may kislap. Oo, may kislap ang isuot mo at saka ka makipagsapalaran dahil ang panalo ay tiyak na makukuha mo. Ito ang masuwerteng balita para sa iyo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-7-19-24-28-35-42.
CANCER (June 21-July 22) - Magdadagsaan sa buhay mo ang magagandang kapalaran ‘pag nagawa mong palayain ang iyong sarili sa magulong sitwasyon na hirap na hirap ang iyong damdamin. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-21-29-30-31-38-41.
LEO (July 23-Aug. 22) - Kayanin mo ang mga pahirap ng kapalaran. Kailangang pagdaanan mo ang mga ito nang sa gayun ay mabigyang-daan ang mga suwerteng matagal nang nakalaan para sa iyo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-17-20-33-25-36-40.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Kilos ang kailangan mo dahil sa ganitong paraan, nababawasan ang pag-iisip ng utak mo na maituturing na mga walang kuwenta at negatibong ideya lamang. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-13-15-28-38-39-42.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Aakalain mong mahirap kunin ang sa totoo lang ay madali lang naman na mapasaiyo. Ibig sabihin, hindi mo na kailangan ang magarbong mga plano. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-19-21-24-27-28-30.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Maganda ang ginagawa mo ngayon na hindi mo kinokontra ang mga nagaganap sa iyong buhay. Ang sumasakay sa agos ng kapalaran ay nakakarating sa kaligayahan. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-5-18-22-28-33-39.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Pakinggan mo ang payo ng mas mahusay sa iyo, pero mababa ang ranggo. Hindi masama na kumuha ng mga ideya sa kapwa. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-11-18-23-36-39-40.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Ito ang araw na iyong pinakahihintay kung kailan nakabukas at nakatapat sa iyo ang tainga ng langit. Magsabi ka ng mga kahilingan mo ngayon. Ito ang utos ng kapalaran mo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-9-10-14-27-37-38.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Hindi na kailangang igiit ang gusto mo dahil ang totoo, kahit kaunting salita mula sa iyo ay ituturing na utos na kailangang mabilis sundin. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-7-18-20-21-28-32.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Kumukuha ng malakas na buwelo ang mga suwerte mo. Huwag mong akalain na minamalas ka dahil parang hindi umuusad ang gulong ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-21-23-29-30-31-38.




Comments