top of page

Horoscope | August 25, 2021 (Miyerkules)

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 25, 2021
  • 2 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| August 25, 2021



Sa may kaarawan ngayong Agosto 25, 2021 (Miyerkules): Magagandang ideya ang labas-pasok sa iyong kaisipan. Kung lalakipan mo pa ito ng kaukulang pagkilos, ikaw ay tiyak na yayaman.



ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Pakinggan mo ang nasa iyong isip na kailangang may gawin kang pagbabago sa iyong negosyo nang mapabilis ang iyong pag-asenso. Ito ang mensahe ng kapalaran mo ngayon. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-15-20-24-28-35-41.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Humingi ka ng payo sa isang malapit sa iyo na minsan ka nang natulungan dahil sa kanyang mga opinyon. Hindi puwedeng ikaw lang ang magpapasya ngayon. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-11-14-22-28-30-41.


GEMINI (May 21-June 20) - Hindi ngayon ang panahon para sa pagpapalit ng desisyon, kaya ipagpaliban mo muna at maghintay ng tamang panahon kung kailan aayon ang mga mahal mo sa buhay sa iyong mga kagustuhan. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-19-21-25-26-30-34.


CANCER (June 21-July 22) - Kahit magkamali ka, huwag kang mag-alala dahil itutuwid din ng langit at mas pagagandahin pa ang takbo ng buhay mo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-15-20-25-27-35-39.


LEO (July 23-Aug. 22) - Huwag mong ipagdamot ang iyong mga kaalaman, lalo na sa alam mong puwedeng mapahamak dahil kapos sa karanasan. Sa ganitong paraan, matutuwa sa iyo ang nasa itaas. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-12-24-29-31-32-42.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Huwag kang pabigla-bigla dahil ang pagkakamali ay resulta ng biglaang pagkilos na hindi pinag-isipang mabuti. Ang mas maganda, bumuo ka muna ng plano bago kumilos. Masuwerteng kulay-aquamarine. Tips sa lotto-17-23-28-38-40-41.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Hayaan mong lumipas ang natapos na. Hindi makagaganda sa buhay mo na muling buhayin ang wala nang pag-asa pang mabuhay. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-14-26-29-30-34-35.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Bakit pati ang iyong sarili ay kinokontra mo? Subukan mo nang gawin ang magandang sinasabi ng sarili mo at hindi maganda na madalas kang mag-aalinlangan sa iyong sarili. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-16-25-27-30-33-38.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Ituloy mo lang ang iyong kilos. Kapag may nagsabi na ito ang maganda, ito ang mabuti at tama, ‘wag mong pansinin nang hindi ka magsisi sa huli. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-2-11-16-25-33-42.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Hindi lahat ng magandang magsalita ay dapat paniwalaan. Ang totoo, ikaw ay pinapayuhan na kapag magaganda ang iyong maririnig, lumayo ka sa kanila. Mientras maganda ang sinasabi, malamang na lokohin ka lang sa huli. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-9-16-18-21-27-32.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Hindi sinasadyang nalilinis ang paligid dahil sa ihip ng hangin. Ngayon, may hangin ng kapalaran kung saan daraan sa iyo ang mga lungkot kaya mawawala at mapapalitan ng pag-asa at kakaibang saya. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-4-15-29-37-39-40.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Sisilipin ka ng isang magandang kapalaran at kapag ikaw ay natagpuang may positibong pananaw, siya ay dadapo sa iyo hanggang sa malubos ang iyong kagalakan. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-18-19-25-27-33-35.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page