top of page
SHEET - MGA ARTISTANG NAG-EENDORSO NG ONLINE GAMBLING, ‘DI NAGLALARO-IG _ogie_diaz.jpg

Horoscope | August 24, 2022 (Miyerkules)

  • BULGAR
  • Aug 24, 2022
  • 2 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| Agosto 24, 2022


Sa may kaarawan ngayong Agosto 24, 2022 (Miyerkules): Hindi ka kayang pabagsakin ng mga kaaway mo, gayundin ang mga naiinggit sa iyo. Habang naghahangad sila na mabigo ka, lalong gaganda ang kapalaran mo.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Paganda nang paganda ang takbo ng kapalaran mo kahit nag-aalinlangan ka sa iyong mga hinaharap. Ang mga pag-aalala mo ay walang basehan, sapagkat ito ay nasa isip mo lamang. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-11-19-22-29-30-41.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Ngayon ang magandang pagkakataon kung kailan puwede mo nang subukan na manariwa ang nanlalamig na relasyon. Makakaasa ka na papabor sa iyo nang husto ang mga pangyayari. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-17-25-28-35-38-40.


GEMINI (May 21-June 20) - Magpapatuloy ang suwerte mo, kaya magpapatuloy din na lihim kang kaiinggitan ng mga pinagdadamutan ng kapalaran. Ibahagi mo sa iyong kapwa ang ilan sa mga suwerte mo upang tuloy-tuloy at mas marami ka pang suwerteng matanggap. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-11-23-30-31-38-42.


CANCER (June 21-July 22) - Hawakan mo nang mahigpit ang iyong sarili dahil kapag masyado kang natangay ng iyong damdamin, malaki ang mababawas sa iyong hawak-hawak. Ito ang paalala para sa iyo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-15-25-26-30-39-41.


LEO (July 23-Aug. 22) - Kahit hirap ang loob mo, kailangang sundin mo ang payo na nagsasabing, pakitaan mo ng maganda ang mga umaaway sa iyo. Ito ang sikreto ng magandang kapalaran mo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-13-16-18-20-22-24.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Punumpuno ng mga katanungan ang iyong isip kung ano ang mangyayari sa iyong kinabukasan, pero punumpuno rin ng surpresa ang langit para ikaw ay sumaya. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-19-20-25-27-35-37.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Itulong mo ang ilan na nasa iyo na, ngunit hindi mo pa naman kailangan ngayon. Matutuwa sa iyo ang langit at ikaw ay lalong pagpapalain. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-5-9-16-18-20-28.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Ingatan mong lumabis ang iyong paggastos. Dapat mong isabuhay ang mga salitang, “Ang sobra ay hindi maganda.” Huwag na huwag mo itong kakaligtaan sa araw na ito. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-2-17-24-27-35-42.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Kung ano ang naihanda para sumaya ang lahat, huwag nang dagdagan pa. Hindi naman mahalaga kung marami o kaunti lang, ang importante ay kasama ka sa pagsasaya. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-12-28-30-35-40-42.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Ito ang araw para itodo ang iyong mga pagsisikap. Binuksan na ng langit ang pinto para sa iyo. Ang lahat ng mga pagsisikap mo ay tutumbasan ng mas malalaking suwerte at magagandang kapalaran na ngayon mo lang mararanasan. Masuwerteng kulay-orange. Tips sa lotto-5-17-22-25-34-38.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Kahit hindi mo gaanong maunawaan, kailangang gawin mo na ang utos ng kapalaran na nagsasabing, ang mga api sa mundo ay pakitaan mo ng pagmamahal. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-21-29-31-33-37-41.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Walang nasa malayo o malapit. Ang mahalaga, para lalo kang buwenasin ngayon at sa darating pang mga araw, pasayahin mo ang nagpasaya sa iyo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-14-20-23-29-35-40.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page