top of page

Horoscope | August 23, 2021 (Lunes)

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 23, 2021
  • 2 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| August 23, 2021



Sa may kaarawan ngayong Agosto 23, 2021 (Lunes): Kung saan ka masaya, roon ka. Ito ang simpleng kahulugan ng araw ng iyong pagsilang. Kaya iwasan at layuan mo ang mga bagay na magbibigay sa iyo ng kalungkutan.



ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Pigilan mo man o hindi ang mga kaganapan, ang mga ito ay mabilis na mangyayari. Kaya walang mas maganda kundi ikaw ay maging mabilis din. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-10-14-17-24-39-42.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Piliin mo ang kulay na angat na angat ang iyong kagandahan. Huwag mong piliin ang mga mabibigay sa iyo ng pananamlay. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-1-10-20-25-31-32.


GEMINI (May 21-June 20) - Mananalo ka dahil ang araw na ito at ang iba pang araw na darating ay masusuwerteng araw mo at malas naman para sa mga panay ang kontra sa mga aktibidad mo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-18-21-25-27-35-36.


CANCER (June 21-July 22) - Naiiwanan ang mabagal at ang hindi makapagpasya, sa huli ay nagsisisi at nanghihinayang. Hindi ka dapat mapabilang sa kanila. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-6-11-17-24-31-39.


LEO (July 23-Aug. 22) - Huwag kang masyadong magtagal sa panonood ng kapalaran ng iba. Puwede kang mahawa sa hindi magagandang nararanasan ng mga iyong pinapanood. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-1-11-14-26-30-34.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Gawin mo agad ang gusto mong gawin. Kapag hindi ka nakinig, masisingitan ka ng pag-aalinlangan at maraming bagay ang iyong panghihinayangan. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-8-12-25-38-40-45.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Iwanan mo ang ayaw sumunod sa iyo. Oo, iwan mo na ngayon! Kapag ginawa mo ‘yan, magugulat siya dahil siya ay susunod na sa mga kagustuhan mo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-4-13-16-25-38-40.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Huwag mong sayangin ang maliit o malaking bagay na puwede mong pakinabangan. Dahil ang magandang kinabukasan ay ang naipong mga biyaya. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-2-14-23-24-30-33.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Asikasuhin mo ngayon at sa mga araw pang darating ang iyong kabuhayan. Ito ang masuwerte mong panahon para sa pagpupundar. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-3-15-20-21-28-31.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Hindi ka dapat makihalubilo sa anumang hindi pagkakaunawaan dahil mawawala ang pagtutok mo sa iyong mga gustong gawin. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-aquamarine. Tips sa lotto-4-18-22-28-35-41.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Huwag mong palakihin ang problema. Hindi mo ba napansin sa buhay mo na hindi naman talaga nagtatagal sa iyo ang mga nagpapasakit ng ulo mo? Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-9-11-17-21-28-33.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Masaya ang maraming kaibigan, pero kailangang piliin mo lang ang mga kaibigan mong hindi pabigat sa iyong buhay. Hindi na masaya kapag maraming nagpapabuhat sa iyo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-8-10-12-28-36-38.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page