top of page
WINNER - BEAUTY QUEEN GF NI SANTINO, NAPAGKAMALANG TRANSGENDER-IG _ashleysubijano.jpg

Horoscope | August 22, 2024 (Huwebes)

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 22, 2024
  • 2 min read

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | August 22, 2024



Horoscope


Sa may kaarawan ngayong Agosto 22, 2024 (Huwebes): Likas kang masuwerte ngayon. Gamitin mo ito para sa iyong sarili, at para ‘di ka na muling manghinayang.  


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Kumilos ka na parang hawak mo na ang iyong nais. Ito ang susi ng tagumpay. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-4-19-24-38-43-45.

 

TAURUS (Apr. 20-May 20) – Ipaparamdam sa iyo ng langit ang kabutihang ipinapakita mo sa iyong kapwa. Huwag kang magbabago. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-3-18-20-24-39-45.

 

GEMINI (May 21-June 20) - Magkunwari kang mahina. Gawin mo ito nang sa gayun ay akalain ng iyong mga karibal at kakumpitensiya na natalo ka na. Ito ang paraan para mawala ang pagtutok nila sa iyo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-3-8-13-29-35-37.

 

CANCER (June 21-July 22) - Balikan mo ang iyong mga nakaraan. Ngayon ang tamang panahon para rito. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-16-18-24-27-34-41.

 

LEO (July 23-Aug. 22) - Huwag mong pansinin ang mga taong nagsasabing maliit at mahina ka. Ang takbo ng mga pangyayari ngayon at sa darating pang mga araw ang magsasabi sa kanila na sila ay matatalo mo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-1-12-17-20-28-31.

 

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Hinuhusgahan kung sino ang panalo at talo sa huli, hindi sa unahan at kalagitnaan ng laro ng buhay. Tumawa ka sa mga nag-aakalang hindi ka na makakabangon. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-5-19-22-29-31-42.

 

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Ipakita mo ang iyong ganda at galing. Huwag na huwag mong kaliligtaang ipakita na hindi ka mahina dahil ikaw ay totoong mas malakas kaysa sa pangkaraniwan. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-7-10-14-21-24-39.

 

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Bakit mo papansinin ang mga taong kung anu-ano ang sinasabi sa iyo? Hindi ka nabubuhay para sa kanila, kaya wala kang dapat ipaliwanag sa kanila. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-4-13-16-31-38-44.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Hindi naman mahalaga kung mataas o mahirap akyatin ang bundok ng tagumpay. Ang pinag-uusapan ay kung desidido at handa ka sa lahat ng bagay. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-6-9-11-16-19-20.

 

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Piliin mo ang sa tinggin mo’y ‘di mo kaya. Dahil tiyak na makakayanan mo rin. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-14-15-24-27-34-44.

 

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Huwag mong pahirapan ang iyong sarili. Ang nakakamanghang katotohanan ay nagsasabing hindi ka isinilang para sa mga gawaing mahirap. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-17-20-21-24-26-45.

 

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Kaawa-awa ang taong walang ambisyon, ganundin ang nagkukunwaring hindi ambisyosa at ambisyoso. Dahil dito sa mundo, ang walang ambisyon ay walang mararating. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-9-10-13-17-22-25.



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page