Horoscope | August 22, 2021 (Linggo)
- BULGAR
- Aug 22, 2021
- 2 min read
ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| August 22, 2021
Sa may kaarawan ngayong Agosto 22, 2021 (Linggo): Huwag mong sayangin ang pagiging masuwerte mo. Sa halip na magpagamit ka sa iyong kapwa, mas magandang unahin mo ang iyong sarili.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Huwag mong pagsabay-sabayin na gawin ang mga gusto mong gawin. Unahin mo ang madali at isunod ang medyo mahirap at sa huli, ang sobrang hirap na proyekto ay madali mo ring magagawa. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-8-10-23-29-30-33.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Nasa mga kaibigan mong may malasakit sa iyo ang mga suwerte. Huwag mong kaligtaan na magpasalamat sa kanila. Gawin mo at ang mga suwerte mula sa kanila ay dadapo sa iyo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-5-14-19-20-25-34.
GEMINI (May 21-June 20) - Huwag kang mangako kapag masaya ka. Kapag masaya ang tao, kahit ang hindi niya kaya ay ipapangako niya. Kumbaga, wala sa reyalidad ang taong sobrang masaya. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-7-19-20-21-35-40.
CANCER (June 21-July 22) - Masarap balikan ang nakaraan, pero hindi puwedeng mabuhay ang tao sa kanyang nakaraan. May mga ngiti man ang nakaraan, dapat ay mas pinahahalagahan ang hinaharap. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-11-15-18-28-36-42.
LEO (July 23-Aug. 22) - Ibaba mo ang iyong sarili. Sa totoo lang, mas mataas ang personalidad mo kaysa sa mga nasa paligid mo dahil marami ang nasa ibaba. Nakagugulat man, tanggapin mong marami ang iyong pakikinabangan. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-8-17-25-30-45-46.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Iwasan mong magalit dahil wala itong magandang ibinibunga. Sa halip, masisira lang ang diskarte mo at mawawala ka sa tamang direksiyon. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-8-16-20-27-37-44.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Maghintay ka at huwag mainip. Ang nagmamadali ay hindi lang nadadapa kundi nagsisisi rin sa huli. Higit kailanman, ngayon ka dapat maging kalmado. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-tangerine. Tips sa lotto-5-16-17-21-25-34.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Gawin mo ang gusto mong gawin. Sapat ang iyong kaalaman at likas na talino para magawa mo ang anumang gusto mong gawin. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-18-20-22-25-39-41.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Huwag kang magbulag-bulagan. Ang magagandang ginagawa ng mga tao ay pasalamatan at puriin mo nang sa gayun, sila ay lalo pang gumaling at humusay. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-15-19-22-28-30-35.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Iba’t iba ang kulay ng tao. May kulay ng kadiliman, may kulay ng kabutihan. Maging tapat ka sa iyong sarili at huwag kang makihalubilo sa mga hindi mo naman kakulay. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-3-19-28-30-36-40.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Hindi pumapayag ang sarili mo na ikaw ay mabuhay nang mag-isa. Kaya anuman ang iyong naranasan, kailangan mong kumilos nang positibo at nakatanaw sa masayang bukas. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-7-11-14-26-24-32.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Dalawa ang kamay ng tao, dalawa rin ang kanyang mga mata at maraming dalawa sa kanya. Pero isa lang ang puso na ang ibig sabihin, hindi maganda ang maraming mamahalin. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-11-19-20-25-36-43.







Comments