top of page

Horoscope | August 21, 2024 (Miyerkules)

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 21, 2024
  • 2 min read

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | August 21, 2024



Horoscope


Sa may kaarawan ngayong Agosto 21, 2024 (Miyerkules): Iisa lang ang patutunguhan ng iyong kapalaran at ito ay ang lubusang katuparan ng iyong mga pangarap sa buhay.

 

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Hindi dapat maubos ang mahahalagang oras mo sa mga taong hindi naman nakikiayon sa iyong mga kagustuhan. Huwag mo na lang silang pansinin. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-6-19-24-33-37-45.

 

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Ipanatag mo ang iyong kalooban. Lihim na kumikilos ang langit nang sa gayun ay mabigyang-daan ang katuparan ng iyong mga pangarap. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-9-16-22-28-31-34.

 

GEMINI (May 21-June 20) - Piliin mo ang maliit. Oo, ‘yung maliit. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-5-12-14-25-30-37.

 

CANCER (June 21-July 22) - Kailangan mo sa iyong tabi ang taong malakas ang loob. Sila ang tatangay sa iyo kung saan maabot-kamay mo ang iyong pangarap. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-7-16-24-31-43-45.

 

LEO (July 23-Aug. 22) - Hindi basta-basta sinusugod ang gustong makuha. Tinitingnan muna ito at saka lalapitan. Ito ang hiwaga ng kalikasan na may kaugnayan sa lahat ng may buhay. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-1-13-15-29-35-39.

 

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Masyadong maraming laman ang isip mo. Magbawas ka at ang itira mo lang ‘yung madali at mabilis mong magagawa. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-3-10-24-32-37-44.

 

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Hindi ka mabibigo kapag ginawa mo ang ginawa ng iba kaya sila nagtagumpay. Huwag ka nang sumubok pa ng bagong ideya o pormula na puwede mo pang ikapahamak. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-7-11-15-21-26-38.

 

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Huwag kang makigulo sa magulong sitwasyon. Hayaan mo sila sa kanilang kursunada. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-5-14-23-31-35-40.

 

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Kapag magkakatabi ang mga bahay, walang pag-asenso. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-2-15-18-20-22-26.

 

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Tatag ng kalooban ang iyong kailangan. Kusang maglalayasan ang mga pagsubok ‘pag nakita nilang matatag ka. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-8-18-24-30-33-38.

 

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Dahan-dahan mong balikan ang iyong nakaraang kabiguan. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-3-14-20-27-32-40.

 

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Nakakatuwa ang kapalaran mo ngayon dahil kahit hindi ka naniniwala na ikaw ay bubuwenasin, mapapasaiyo pa rin ang magagandang kapalaran na labis mong ikakagulat. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-4-17-19-24-38-41.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page