- BULGAR
Horoscope | August 21, 2022 (Linggo)
ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| Agosto 21, 2022
Sa may kaarawan ngayong Agosto 21, 2022 (Linggo): Magtiwala ka sa iyong kapalaran. Ginagarantiyahan nito na lubos na matutupad ang mga pangarap mo. Ito ang kahulugan ng araw ng iyong pagsilang.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Ipanatag mo ang iyong sarili. Ang nararanasan mo na kawalan ng pag-usad ng iyong buhay ay nagsasabing kumukuha ng malakas na buwelo ang mga suwerte mo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-4-18-28-30-37-42.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Humahabol pa ang isang malaking suwerte para sa iyo. Ihanda mo ang iyong sarili. Itakwil mo ang mga negatibong pananaw na namamahay sa iyong isipan. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-12-29-35-37-41-42.
GEMINI (May 21-June 20) - Ayusin mo muna ang sarili mong mga problema. Ang magagandang kapalaran ay dumadapo sa mga may panatag na kalooban. Muli, ayusin mo ang sarili mong problema. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-9-11-16-29-36-38.
CANCER (June 21-July 22) - Ganito ang sabi, kung ano ang kapalaran ng mga palaging kadikit, ganundin ang kapalaran ng isang tao. Kaya dumikit ka ngayon sa mga sinusuwerteng nilalang at susuwertehin ka rin sa buhay. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-5-16-20-24-31-39.
LEO (July 23-Aug. 22) - Hindi uusad ang kapalaran ng taong paladaing. Mas magandang tanggapin mo nang maluwag sa loob ang mga kaganapan nang magsimula ang pagdagsa ng magagandang bagay sa iyong buhay. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-19-25-29-33-36-42.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Nauubos ang tubig kapag butas ang timba. Hindi makakabuti sa iyo ang pagiging sobrang mabait. Dapat matuto kang tumanggi at sumagot ng hindi. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay- peach. Tips sa lotto-13-27-39-40-41-43.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Mawawala ang kaba mo kapag sinimulan mong gawin ang gusto mo. Ito ang sikreto ng kapalaran para magtuloy-tuloy pa ang iyong pag-asenso. Ito ang masuwerteng balita para sa iyo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-2-7-15-36-40-41.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Isang hakbang paatras, dalawang hakbang pasulong. Ito ang isa sa pinakaepektibong susi ng tagumpay. Ito rin ang magbibigay ng kalituhan sa iyong mga karibal. Masuwerteng kulay-burgundy. Tips sa lotto-3-11-19-24-28-35.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Pansamatala kang mauungusan ng iyong mga kakumpitensya, pero sa huli, maiiwanan mo sila nang milya-milya at malabo nang maabutan ka pa nila. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-18-26-28-30-37-41.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Nagtitipid ang mga negosyante sa panahonn ng pagtumal. Ang ganitong bagay ay mas akma sa iyo ngayon. Iwasan mong gumasta sa bagay na hindi naman talaga kailangan. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-15-26-30-32-36-42.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Hindi masamang magtanong. Ang masama ay ang kikilos ka nang walang kaalam-alam sa isang bagay na ginagawa mo. Hindi sa lahat ng oras ay lakas ng loob ang susi sa magandang buhay. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-12-18-21-28-35-38.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Hayaan mo lang na gawin ng mga kontrabida sa buhay mo ang kanilang gusto. Ang hindi nila alam, habang ikaw ay kanilang nilalabanan, ang mga suwerte ay kusang magdaratingan sa iyo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-16-17-23-25-31-43.