Horoscope | August 20, 2022 (Sabado)
ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| Agosto 20, 2022
Sa may kaarawan ngayong Agosto 20, 2022 (Sabado): Sasamantalahin ng marami ang iyong kabaitan, pero hindi ka iiwanan ng langit. Gayundin, dahil sa kabaitan mo, ikaw ay pagpapalain. Ito ang mensahe ng araw ng iyong pagsilang.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Hawakan mo ang iyong emosyon dahil may babala na maiisahan ka dahil maaawa ka. Hindi masama ang maawa, pero dapat ka lang maawa sa tunay na dapat na kaawaan. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-11-18-20-23-25-38.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Nagdadamot ang isang tao dahil alam niya na madalang dumating ang mga biyaya. Hindi ka mapabibilang sa kanila. Ang mga suwerte at magagandang bagay ay panay ang dating sa iyo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-19-22-27-30-31-35.
GEMINI (May 21-June 20) - Huwag mong bigyang-pansin ang maganda sa tingin dahil ang mga tukso ay pangkaraniwan nang ginagamit ang kahinaan ang mga mata ng tutuksuhin. Ito ang paalala para sa iyo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-1-9-14-15-24-36.
CANCER (June 21-July 22) - Gawin mo na ang gusto mo. Ito ang araw na ang langit ay nasa iyong tabi at ang mga kontrabida at karibal ay paparusahan. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-7-17-22-27-35-41.
LEO (July 23-Aug. 22) - Pakinggan mo ang malapit sa iyong puso, siya ang inatasan ng langit na magtuwid ng mga pagkakamali at kahinaan mo. Ito ang mensahe ng kapalaran mo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-19-24-28-30-33-39.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Kapag naisahan ka ng iyong kaibigan, wala kang dapat ikagalit dahil ang magkakaibigan ay talagang nagdadayaan paminsan-minsan. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-2-16-21-27-30-32.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Muling nakakaalala ang nakakalimot, kaya ‘wag kang gaanong magtampo sa akala mong nakalimot sa iyo. Sa ibang araw, babawi siya dahil maaalala niya ang mga kabutihan mo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-15-25-26-34-38-41.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Dito sa mundo, ang tapos na ay madalas na nagkakaroon ng bagong simula. Ang akala mong love life na nagwakas ay muling mabubuhay. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-15-16-23-32-38-42.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Nasa itaas ka na, pero aangat ka pa. May babala na dadami ang mga lihim na maiinggit sa iyo. Mas maganda na palagi kang nakaalerto. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-lilac. Tips sa lotto-14-20-29-38-40-42.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Mahina ka ngayon dahil iiral ang iyong pagiging madamdamin. Huwag mong pigilan ang iyong sarili dahil ang kahinaan ng tao, paminsan-minsan ay kailangang hayaan. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-4-18-21-25-27-37.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Nakakatuwa ang kapalaran mo ngayon dahil makikitang kahit nasasaktan ang iyong damdamin ay parang nasasarapan ka pa. Ang nakakatuwa rito, habang nasasaktan at nasasarapan ka, maraming suwerte ang magdaratingan. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-19-22-28-29-30-31.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Ngayon ay araw mo at bukas ay araw mo pa rin. Ang totoo, dumating na ang mga araw na dadapo sa iyo ang magagandang bagay. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips lotto-18-22-23-39-40-41.




Comments